Friday, September 28, 2012

Pinoy na nakaranas ng gutom, dumami


From:gmanews.tv

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na nagsasabing mahirap sila, tumaas naman ang bilang ng mga nagsasabing nakaranas sila ng gutom nitong nakaraang mga buwan.

Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa mula  Agosto 24-27, lumabas na 21 percent sa mga tinanong ang nagsabing nakaranas sila ng gutom.

Ito ay mas mataas sa 18.4 percent na pamilya na nagsabing nakaranas sila ng gutom noong Mayo.

Naitala sa Metro Manila ang may pinakamalaking pagtaas (10 percent) ng nagsabing nagugutom sila na umabot sa 26 percent o 738,000 pamilya.

Tumaas din ang bilang ng mga nagugutom sa Mindanao (30.3 percent) at Balance Luzon (16 percent). Hindi naman nagbago ang sitwasyon sa Visayas (17.3 percent). -

Ipinaliwanag naman ng SWS na ang naturang datos ay hindi taliwas sa naunang survey na inilabas nila noong nakaraang lingo, kung saan nabatid na bumaba sa 47 percent mula sa dating 51 percent ang pamilyang nagsabing mahirap sila.

"The reason why hunger rose at the same time that poverty fell... is because of an increase in the hunger rate among the poor, as well as among the non-poor.” paliwanag ng SWS. ###  

No comments:

Post a Comment