From
abante.com
Mistulang
apoy na mabilis na gumapang ang ngitngit ng mga Pinoy netizens laban sa
Cybercrime Prevention Act of 2012.
Kahapon
ay umani na rin ng atensyon ng international media at foreign ang lumalawak na
pagpoprotesta laban sa naturang batas.
Ayon
sa Agence France
Presse (AFP):
“It
also allows authorities to collect data from personal user accounts on social
media and listen in on voice/video applications, such as Skype, without a
warrant. Teenagers unwarily retweeting or re-posting libelous material on
social media could bear the full force of the law.”
Ayon
naman kay Noemi Dado, editor ng citizen media site na “Blog Watch”:
“Not
everyone is an expert on what constitutes libel. Imagine a mother like me, or
teenagers and kids who love to rant. It really hits our freedoms.”
Sinabi
naman ni Brad Adams, Asia Director ng New York-based Human Rights Watch:
“Anybody
using popular social network or who publishes online is now at risk of a long
prison term should a reader – including government officials – bring a libel
charge.”
Ayon
naman kay Bayan Muna partylist Rep. Neri
Colmenares, hindi ;lang mga kagawad ng media at mga “blogger ang madadale kundi
ang mga netizens na bahagi na ng kanilang buhay ang internet at hindi mapigilan
ang sarili na magkomento sa isang isyu na posibleng makasakit sa mga pulitiko
at gobyerno.
Sinabi
naman ni Kabataan partylist Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino na “uwedeng abusuhin
ng mga balat sibuyas o ‘yung mga ayaw na may bumabatikos sa kanila. Puwede
rin gamitin ng pamahalaan na patahimikin ang oposisyon na tinig ng bansa.”###
No comments:
Post a Comment