Thursday, September 27, 2012

BIR: Walang magiging kasunduan lkay Corona


From: abante.com

Inihayag kahapon ng Bureau of Internal Re­venue (BIR) na hindi ito papasok sa anumang kasunduan kay dating Chief Justice Renato Corona at sa pamilya nito kaugnay ng kinahaharap nilang tax evasion case. 
I
binigay ni BIR Commissioner Kim Hena­res ang pahayag matapos lumutang ang posibilidad na magkaroon ng plea bargain sa kaso ng mga Corona.

Sinabi ni Henares na hindi maaari na magkaroon ng kumpromiso sa nasabing kaso dahil matagal na umanong pinaiiral ang patakaran sa komis­yon na kapag naghain na ng kasong tax evasion ay hindi na pumapasok sa alinmang kompromiso.

Si Corona kasama ang anak na si Carla at manugang nitong si Constantino Castillo, ay nahaharap sa P150 million tax evasion case sa Department of Justice (DOJ) dahil umano sa hindi pagdedeklara ng tamang kinita at hindi umano paghahain ng income tax return (ITR).###

No comments:

Post a Comment