Friday, September 21, 2012

Joker Arroyo, unang kumuwestiyon sa Martial Law


From: gmanews.tv

Kilala niyo ba kung sino ang unang abugado na nagtungo sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang legalidad ng Proclamation 1081 na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. bilang deklarasyon ng Martial Law noong Setyembre 21, 1972?

Siya’y walang iba kundi si ngayo’y Sen. Joker Arroyo.

Matapos ianunsyo ni Marcos na isinasailalim niya sa batas militar ang buong bansa, agad na nagtungo sa Korte Suprema si Arroyo para kuwestiyunin ang legalidad ng Proc. 1081.

Kasama rin si Arroyo sa mga abogado na kumuwestiyon sa niratipikahang 1973 Constitution na nagbigay-daan para magtagal sa posisyon si Marcos.

Dinakip at ikinulong rin si Arroyo noong Martial Law.

Ilan sa mga kilalang personalidad na idinepensa niya bilang human rights lawyer ay sina dating Senador Benigno “Ninoy" Aquino, Jr.; Sergio OsmeƱa III, dating Jovito Salonga, Eva Kalaw at Aquilino Pimentel Jr.

Nang mapatalsik si Marcos noong EDSA 1 People Power revolution noong 1986, hinirang si Arroyo bilang executive secretary ni noo’y Pangulong Corazon Aquino.

Naging kongresista ng Makati si Arroyo sa loob ng siyam na taon (mula 1992 hanggang 1998). Taong 2001 nang una siyang mahalal na senador at muling nanalo noong 2007 elections. Magtatapos ang kanyang termino bilang senador sa 2013. ###

No comments:

Post a Comment