Walang anumang magiging kredibilidad ang
pangungunahang hearing ni Koko Pimentel sa Martes, June 4, tungkol sa mga
kwestyonableng pangyayari noong nakaraang halalan.
Dahil HINDI NIYA KINUMBIDA si Glenn Chong, na
siyang masigasig na NAGBULGAR AT NAKAPAGPATUNAY na ng dayaan gamit ang
automated election system ng Smartmatic noong nakaraang halalan at 2016
election.
Tulad ng pagta-transmit ng mga PEKENG RESULTA
sa Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW PA bago ang botohan noong 2016, at ang hindi
paglabas ng pangalan niya sa resibo ng mga balota noong Mayo kahit na siya ang
ibinoto.
Testigong nagsasabing may ebidensiya siya ng
dayaan, hindi kumbidado. Iyong mga suspect, kumbidado.
Hindi maikakaila ni Pimentel na isa si Glenn
sa mga maraming alam, kundi man pinakamaraming may alam, sa dayaan sa election
gamit ang Smartmatic system. At COMMON SENSE pa lamang ay maiisip na ninuman na
MALAKI ang maitutulong niya sa anumang hearing tungkol dito.
Pero imbes na bigyan siya ng pagkakataon na
makapagbulgar pa sa hearing, SIYA PA ANG HINDI KINUMBIDA. Ang mga taga
Smartmatic at Comelec, kumbidado.
SINO ang makakakontra sa mga magiging PALUSOT
o alibi ng Comelec at Smartmatic sa hearing ni Pimentel kung sakali? Anong
klaseng palabas na naman ito?
***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.
Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para
araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga
advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us
all. 30
No comments:
Post a Comment