In a story in https://newsinfo.inquirer.net/1127799/bautista-to-tulfo-prove-sincerity-apologize-thru-various-media-platforms,
Social Welfare Secretary Rolando Bautista said he will accept the
apology of Erwin Tulfo for bashing him on
air subject to the following conditions:
“Hihingi ng paumanhin si Ginoong Erwin T.
Tulfo na ipapalabas niya sa mga pangunahing dyaryo sa sukat na hindi liliit sa
kalahating pahina na kaniyang babayaran. Ipapalabas din niya itong paghingi ng
paumanhin sa social media platforms katulad ng: Facebook, Twitter, Instagram at
Youtube at sa mga estasyon ng radio katulad ng: DZBB, DZMM, Radio Singko News FM
92.3, DZRH at DZRB. Magbibigay siya ng
donasyon sa halagang hindi bababa sa tatlong daang libong piso P300,000) sa
lahat ng mga sumusunod sa halip ng pambayad ng danyos o bayad-pinsala sa
pagkawasak ng aking pagkatao, reputasyon at pati na rin ng mga institusyon na
aking kinatawanan o naging kaanib.”
SOBRA NA IYAN, BAUTISTA. SOBRA, SOBRA NA
IYAN!
I’m not a friend or a co-worker of Tulfo but
IN FAIRNESS TO HIM: He has publicly apologized, and if I am correct, twice
already. One in his radio show wherein he attacked you. Another, in a story in inquirer.net.
Anybody correct me if I’m wrong but Tulfo DID NOT ATTACK YOU, Mr. Secretary, in
ALL TV AND RADIO STATIONS or social media sites.
Kaya WALANG DAHILAN, Bautista, na libutin
niya ang lahat ng radio at TV stations, at social media sites, na binanggit mo
para lamang ulitin ang pag-sorry niya sa iyo. As an intelligent officer and
gentleman, tiyak na naiintindihan mo iyan. Baka lang na-overlook mo, Mr.
Secretary.
Isa pa, Bautista, IKAW LAMANG ang nagawan ng
mali ni Tulfo. Maliban na lamang kung may maipapakita kang katibayan na nawalan
ka ng dapat mong kitain dahil sa atake niya, Mr. Secretary, HINDI MAKATWIRAN na
isa-isahin niya ang mga police at military units na binanggit mo para ibigay
ang hinihingi mong P300,000. Kung pati mga units na iyan ay tinira ng hindi
dapat ni Tulfo, Okay lang iyong gusto mong mangyari. Kaso, hindi ganoon ang
nangyari.
Tulfo has done the right thing, Bautista –HE
HAS APOLOGIZED to you.
HINDI NA NIYA PINALALAKI ang nangyari. Kaya
with all due respect, Mr. Secretary, WALA NANG RASON para pahabain o palakihin
mo pa ang lahat. IKAW ANG MASISIRA, IKAW ANG MAGMUMUKAHANG PA-IMPORTANTE, kapag
ganiyan. Kung may nagpapayo sa iyo, Mr. Secretary, para magbigay ng ganitong
klaseng aksiyon, DISPATSAHIN MO. Dahil sa huli, IKAW ANG MAWAWASAK, hindi si
Tulfo.
***
May bago din
po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at
enter. At makakatulong po ng malaki para
araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga
advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us
all.30
so ngayon bumaligtad lahat sa iyo retired general bautista...bumalik lahat ng simpatiya kay Erwin Tulfo...ok na nga sana eh,nakuha mo na ang simpatiya ng taong bayan at mas rerespetuhin ka sana kung nagpatawad ka ng walang kondisyones...ang kaso pinakita mo yung totoong kulay mo...yung totoong karakas mo!nagmatigas ka pa at nagbigay pa ng kung ano anong kondisyon, ano ka ngayon instead pumabor sa iyo ang lahat lumabas ang katotohanan, sumobra naman ang paglagay mo sa sarili mo sa pedestal,tama lang ginawa ni Erwin Tulfo murahin ka!nagpapaimportante ka masyado eh wala ka na sa military,public servant ka na at kung nasa DSWD ka dapat lang naman na madali kang makontak 24/7 dahil nasa taong bayan na ang serbisyo mo dahil wala ka na sa military at wala ka na sa giyera! giyera na ng kahirapan ng taong bayan ang kinakaharap mo kaya dapat lang umayos ka dahil taong bayan na ang boss mo at dapat lang na lagi kang handa kapag kailangan ka!
ReplyDelete