Monday, June 10, 2019

RECOUNT RESULTS ANG IPALABAS MO, ROBREDO!


Image result for images for leni robredo
Resulta ng recount ng mga boto na sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban sa iyo ang hingin mo sa gobyerno, Leni Robredo. At hindi PAKIKIALAM ng United Nations (UN) sa anti-drug war ng gpbyerno ni Pangulong Digong  Duterte.

KUNG HINDI KA NANDAYA, O WALANG NANDAYA, para manalo ka noong 2016 election,  lalong  WALANG MATINONG DAHILAN para patuloy na hindi ipalabas  sa sambayanan ang resulta ng recount. At ang mga NANGYARI O NADISKUBRE PA habang isinasagawa iyon.

Sa RESULTA INTERESADO  ang mas nakararami sa amin sa sambayanan, Robredo. Hindi sa suporta mo sa panawagan ng IILAN para sa PAKIKIALAM, PAMBABASTOS ng UN sa sovereignty o  kasarinlan ng bansa.

KADUDA-DUDA, Robredo, na kung ano iyong maaaring makapagpatunay na hindi mo dinaya o hindi nadaya si Bongbong noong talunin mo siya, iyon ang HINDI MO PINAPANSIN. Samantalang halos araw-araw, may press release ka o banat sa sari-saring  isyu o sa mga nangyayari sa paligid ng bansa.

Kaya para MAGKAALAMAN NA NG KATOTOHANAN, Robredo, umapila ka kay protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa na ILABAS NA ANG RESULTA NG RECOUNT at ang lahat ng nangyari o nadiskubre. Para magkaalaman na kung sino ang tunay na nanalong bise-presidente noong 2016.

KUNG AYAW MO, HUWAG KA RING MANGARAP man lamang na malulunod ng walang tigil mong mga press release ang paghihintay naming nakararami sa sambayanan sa KATOTOHANAN. HINDI KAMI MAKAKALIMOT, AT LALONG HINDI KAMI MANINIWALA, na malinis ang panalo mo hanggang ganiyan kayo ni Caguioa.

Kumontra na ang kokontra.
                                                       ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30

No comments:

Post a Comment