Monday, June 17, 2019

MISTERYO SA RECTO COLLISION, LUMALAKI!

ILAN SA MGA CREW NG GEM-VER1
Lumalaki ang misteryo sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa Gem-Ver1 sa Recto Bank sa West Philippine Sea, mga kababayan. Ngayon, mismong ang kusinero nito ang nagbigay ng statement na KABALIGTARAN sa naunang sinabi ng kaniyang kapitan tungkol sa kalagayan ng Bangka bago ito binangga.

In a story in https://news.abs-cbn.com/news/06/17/19/lalaot-po-ulit-kami-captain-of-boat-sunk-by-chinese-vessel-still-keen-on-going-back-to-sea, Gem-Ver Capt. Junel Insigne said of the boat at the time of the collision:  "Marami po kaming ilaw. Sa unahan, may ilaw, sa likod, may ilaw. Hindi po namin pinapatay."

But in a story in https://news.abs-cbn.com/news/06/18/19/tulog-yung-kapitan-da-chief-says-crew-member-unsure-if-chinese-vessel-saw-their-boat, Agriculture Sec. Manny Pinol quoted the FB GEM-VER 1 cook  Richard Blaza, WHO WAS THE ONLY ONE AWAKE before the collision, as telling him : "'Ang statement nung kusinero kasi dalawa lang ang ilaw nila - isa sa kitchen, isa sa kamarote (cabin) ng kapitan." 

PiƱol added that when he asked Blaza if he thinks the ramming was intentional, the cook replied: "Sir, maaaring hindi kami nakita.” 

Pansinin ninyo, mga kababayan: Hanggang ngayon, WALANG NAGKAKAILA na si Blaza lang ang gising nang mangyari ang banggaan. Kaya saan man daanin, sa ayaw at sa gusto ninuman, SIYA ANG MAS DAPAT PANIWALAAN! SIYA LANG ANG GISING, MAS MARAMI SIYANG NAKITA kesa kay Insigne.

Pero ang NAKAKAPAGTAKA, SI INSIGNE LANG ang kinakausap ng mainstream o national media. Tinatawagan, pinupuntahan pa sa bahay niya sa Mindoro. Samantalang WALANG NABABALITA na anumang effort man lamang ng mga reporter para mainterview ang iba pang crew ng Gem-Ver1.

Sa blog na sinundan nito, isinulat ko na TATLONG MAGKAKAIBANG DAHILAN ang lumalabas ngayon kaya hindi tumuloy si Insigne sa meeting niya ka Pangulong Digong Duterte. Narito ang link: https://forumphilippines.blogspot.com/2019/06/niloloko-na-tayo-ni-insigne.html

Sinisimulan na naman tayong gaguhin, mga kababayan!
                                                       ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30 

No comments:

Post a Comment