Bago magkalimutan, dapat ding IMBESTIGAHAN si
Noynoy Aquino sa DAYAAN 2016 elections.
Huwag nating kailimutan: DERECHAHANG sinabi
ni Noynoy noong presidente pa siya na hindi siya makapapayag na mulng makabalik
sa Malacanang ang sinumang Marcos. Kahit na BIse-Presidente lamang ang itinakbo
noon ni Bongbong Marcos laban sa KANDIDATO NIYANG SI LENI ROBREDO.
Bilang pangulo, magagawa noon ni Noynoy ang
anumang naisin niya.
Pinsan ni Noynoy ang Comelec chairman noong
2016 election na si Andres Bautista. Tuloy-tuloy nang nabubulgar ang
sari-saring pandaraya noon pero WALANG ANUMANG NAGING aksiyon si Noynoy laban
kay Andy hanggang sa matapos ang termino niya.
Si Noynoy ang presidente nang maging automated
election system provider ng Comelec ang Smartmatic. Hanggang sa bumaba siya sa puwesto ay HINDI NA
NAPALITAN ANG SMARTMATIC at kahit kalian ay WALANG ANUMANG PARUSA na pinataw sa
kompanya kahit na nirereklamo na ito ng pandaraya.
Si Noynoy ang nagappoint sa Korte Suprema kay
Bongbong Marcos protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa. At tulad
ng alam nating lahat, maliban sa recount ay HINDI PA UMAANDAR ang protesta at
WALANG ANUMANG NAGING PALIWANAG si Caguioa kung bakit.
Kaya’t IMPOSIBLE to the max na WALANG ALAM si
Noynoy sa mga nangyari, lalo pa noong SIYA PA ANG PRESIDENTE. Dahil tiyak namang hindi aaminin, hindi
tatanggapin ni Noynoy na GANOON SIYA KATANGA AT KABOBO at KAWALANG PAKIALAM SA
BAYAN bilang Pangulo.
Kumontra na ang kokontra. Siguruhin lang na
may detalye.
***
May bago din
po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at
enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click
ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po
lagi sa tiwala. God Bless us all. 30
Let justice run its course. Investigate noynoy aquino.
ReplyDelete