Dahil sa mas mabagal pa sa pagong ang usad ng
protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo, dapat na IREFUND MUNA ang
hindi pa nagagamit sa mahigit P60 milyong ipinabayad sa kaniya ni protest
supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa para sa BUONG KASO.
Ang mahigit P60 milyon ay para sa lahat ng 27
probinsiyang sakop ng protesta ni Bongbong. Perot tulad ng alam na nating
lahat, TATLO PA LAMANG sa mga ito ang na-manual recount na ang mga boto. At
WALANG ANUMANG SENYALES O STATEMENT si Caguioa kung KAILAN AANDAR NG
TULOY-TULOY ang protesta.
At kahit ISANG SALITA AY WALA ring paliwanag
si Caguioa kng bakit NAPARALISADO na ang protesta sa TATLONG PROBINSIYA LAMANG
hanggang ngayon – Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Mabagal pa pala sa 90 ANYOS na tao ang
magiging takbo, HINDI DAPAT PINAGBAYAD AGAD ni Caguioa si Bongbong para sa BUONG
PROTESTA. Saan man daanin, ang dapat bayaran ay IYON LAMANG TAPOS nang
trabahuhin. Sagarang PANGAAGRABYADO,
PANGAAPI ang pagbayarin agad ang sinuman ng buo, tapos ay wala pa sa 10
porsiyento ang natatrabaho matapos ang MAHIGIT DALAWANG TAON.
Karapatan ni
Bongbong ang magkaroon ng PAREHAS NA LABAN, Mr. Caguioa. Siguro naman ay
may PRINSIPYO ka rin.
***
May bago din
po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at
enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung
iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog.
Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30
No comments:
Post a Comment