Friday, June 21, 2019

ROBREDO, PINAGANDA PA IMAGE NG DUTERTE GOV’T


Laman ng news websites ngayon ang pagbisita ni Leni Robredo sa mga tripulante ng FB GEM-VIR1 sa Mindoro para bigyan sila ng P50,000 na tulong bawat isa.

Sa tanggapin o hindi ni Robredo o ninuman, PINABANGO lang niya lalo ang image ng Duterte Government sa mata ng mga tripulante, at ng sambayanan kaugnay ng
pagbangga ng isang Chinese vessel sa GEM-VIR1 sa Recto Bank sa West Philippine Sea. Bakit?

Ang tig-P50,000  bawat isa na pinamigay ni Robredo ay hindi lang basta sa opisina niya galling. MULA IYON SA DUTERTE GOVERNMENT, na siyang pinangggalingan ng budget ng kaniyang tanggapan. Ang gobyernong walang tigil niyang tinitira.

Magkaliwanagan tayo, mga kababayan ha, HINDI SARILING PERA ni Robredo iyon. Kaya hindi ka lang DELAYED REACTION si Robredo kundi super-CHEAP pa gumimik.

Isang linggo mahigit na mula nang mabulgar ang pagbangga ng isang Chinese vessel sa GEM-VIR1 sa Recto Bank sa West Philippine Sea. May diplomatic protest nang finile si Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin. May mga grupo na rin na nagpahayag ng tulong sa mga tripulante.  Pero ikaw, PURO DALDAL MUNA.

Bago ang pagbisita mo kanina, DALAWANG CABINET secretaries na ang bumisita sa mga tripulante. Ang isa, si Sec. Manny Pinol, ay may dala na ring bagong bangka at mga kagamitan, at P25,000 na atyuda.

Pero ikaw, Robredo, KANINA LAMANG NAGPAKITA sa mga tripulamte. At siyempre. Todo media coverage.  Kung may magsasabing hindi pa rin gimik ang ginawa ni Robredo, welcome mag-comment.
                                                             ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30 


No comments:

Post a Comment