Tingnan ninyo, mga kababayan, kung gaano
KAAGRABYADO TO THE MAX na si Bongbong Marcos sa protesta niya laban kay Leni
Robredo.
HALOS DALAWANG TAON na mula nang pagbayarin
si Bongbong ng HUMIGIT-KUMULANG SA P66 MILYON para sa protesta niya na sakop
ang 27 probinsiya at may mga siyudad pa. Pero HANGGANG NGAYON, 3 probinsiya pa lamang
ang nare-recount ang mga boto. At AYAW
PANG IPALABAS hanggang ngayon ni protest supervising Justice Alfredo Benjamin
Caguioa ang resulta ng recount, at mga nangyari o natuklasan doon.
BUO AGAD ang hininging kabayaran kay
Bongbong, pero AYAW IBIGAY ANG PARTIAL NA RESULTA AT AYAW TRABAHUHIN NG
TULUY-TULOY ang binayaran. Ginagawang gago si Bongbong, at ang mahigit 14
milyon na bumoto sa kaniya sa paghihintay na WALANG ANUMANG LINAW HANGGANG
NGAYON kung kalian.
Kabi-kabila na ang PISIKAL NA EBIDENSIYA NG
DAYAAN na nadiskubre sa iba-ibang lugar, lalo na sa probinsiya ni Leni na Camarines
Sur. Pero hanggang ngayon, KAHIT MINSAN AY HINDI NABALITA na may ginawa nang
aksiyon si Caguioa sa isa man sa mga ito.
WALA ring nabalitang aksiyon, o anumang
parusa o imbestigasyon, sa mga nabukong pagsama ng isang TAUHAN NI LENI sa
mahigit 20 tao ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa isang outing sa Laguna….at
sa mga square na biglang lumabas sa tabi nga pangalan ni Leni sa balota matapos
ihulog ito sa PCOs machine. Gayung WALA naman sa balota ang mga square bago
bumoto ang botante.
HINDI PA RIN NILALABAS ng Comelec ang hindi
awtorisadong pagbabago ng Smartmatic sa script ng transparency server noong
unang gabi ng bilangan ng 2016 election. Tulad ng alam nating lahat, matapos
iyon ay nalampasan ni Leni ang ISANG MILYONG BOTONG LAMANG ni BBM at hindi na
nakahabol ito sa kaniya hanggang sa matapos ang bilangan.
MAHABA PA ang listahan. LAHAT kontra kay
Bongbong. Patuloy na WALANG PALIWANAG si Caguioa sa kahit iksa sa mga ito. Pero
pinagbayad agad si Bongbong ng buong protest fee niya.
HINDI
GAGO ang sambayanan, Caguioa.
***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.
Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng
malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang
mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God
Bless us all.30
diba? ang pandaraya ay sinasadya> so sinasadya din ang paglalabas ng Resulta
ReplyDeletemalamang pagkatapos ng termino ni Duterte bago ipalabas ang resulta?
kaya kung ako si Marcos pabayaan ko nalang> at sa 2022 tatakbo nalang ako ng Presidente at cguradong mananalo ako>marcos<
Alam NG Diyos Kung Sino Ang kanyang pupuksain at bibigyan NG salot!lalabas pa rin Ang katotohanan NG mabuti Laban sa kasamaan!!
ReplyDelete