Thursday, June 13, 2019

KABASTUSAN, KAWALANGHIYAAN TO THE MAX!


Image result for LENI ROBREDO WITH ROMY MACALINTAL
In a story in https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/697561/robredo-camp-vote-recount-results-in-3-provinces-confirm-2016-poll-victory/story/?just_in&featured, Leni Robredo claimed she won in the protest filed against her by Bongbong Marcos following the revision of votes in Camarines Sur, Iloilo, and Negros Oriental.

Walang akong maisip na puwedeng itawag dito kundi KABASTUSAN AT KAWALANGHIYAAN to the max ni Robredo. Pati na ng abogado niyang si Romulo Macalintal.

KABASTUSAN dahil WALA PANG OFFICIAL na announcement ang Presidential Electoral Tribunal (PET), MULA NANG MATAPOS ang recount noong March 4 hanggang sa SINULAT KO ANG BLOG na ito ng 4:11 ngayong hapon, na nanalo na si Robredo. ALAM NA ALAM nina Robredo at Macalintal na ang PET LAMANG ANG MAY KARAPATAN na mag-announce ng resulta ng recount. At ng LAHAT ng may  kaugnayan sa protesta ni Bongbong.

Pero PINANGUNAHAN na nila ang PET, na siya ring Supreme Court, ang PINAKA-MATAAS na korte sa bansa. Kapag ang pinaka-mataas na ang binastos mo, ESTUPIDO/GAGO na lamang ang magsasabing hindi pa SAGARAN IYON. At huwag nating kalimutan, mga kababayan, mga boto ng milyun-milyon sa atin ang nakataya sa recount. Kaya pati tayo ay BINASTOS nina Robredo at Macalintal.

KAWALANGHIYAAN: Kabi-kabila na ang PISIKAL NA EBIDENSIYA NG PANDARAYA na nadiskubre na, at HINDI PA INAAKSIYUNAN HANGGANG NGAYON ni protest supervising Justice Alfredo Benjamin Caguioa. Pero kahit ganito, at wala pa ngang official declaration ang PET, NASIKMURA nina Robredo at Macalintal na panalo na sila sa recount. Kumbaga, para na rin tayong sinabihan ng dalawa ng harap-harapan na “EH ano ngayon kung may dayaan? Basta panalo na kami?”

Mahigit tatlong buwan nang tapos ang recount pero PATULOY ANG NEWS BLACKOUT tungkol dito. Tapos ngayon, HIMALA NG MGA HIMALA, panalo na si Robredo.     

Pati tayo sa sambayanan, TINATARANTADO NA NG SAGAD!
                                                  ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL. Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30 


3 comments:

  1. Sana naman lumabas na Ang totoong katotohanan talaga. Laban lang TUNAY NA VICE PRESIDENT FERDINAND BONG BONG MARCOS.!

    ReplyDelete
  2. Makapal mga mukha ng dalawang yan...they are provoking the camp ofBBM to file a complaint with the PET inorder to delay further

    ReplyDelete
  3. Kinakabahan ako na may nangyayari na di maganda sa loob ng PET, baka tapos na maluto yung resulta. Bakit kasi pumayag ang Marcos camp sa news blackout

    ReplyDelete