Tuesday, June 11, 2019

GINAWA MONG CREDIBLE SI ‘BIKOY’, TRILLANES!


Image result for images for antonio trillanes
Kay Antonio Trillanes: Sa halip na malinis mo ang pangalan mo, GINAWA MONG MAS CREDIBLE si Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula sa mga akusasyon niya laban sa iyo na diumano ay kasama ka sa planong patalsikin si Pangulong Digong Duterte.

Una: Bukod sa iyo, MARAMI PANG PINANGALANAN si ‘Bikoy’ na diumano ay mga kasabwat mo. Pero ikaw, Trillanes,  KAHIT ISANG PANGALAN na makapagpapatunay na sinungaling si ‘Bikoy’ ay WALA KANG NASABI sa press conference mo kahapon.

Pangalawa: MARAMING DETALYENG naibigay si ‘Bikoy’ nang akusahan ka at ang mga diumano’y kasabwat mo. Tulad ng mga meeting ninyo diumano sa Ateneo de Manila University, at condo raw sa Pasig diumano ang nagsilbing safehouse niya. Binangggit din ni ‘Bikoy’ na nakaharap na niya sa Caloocan Bishop David sa tirahan nito. At KINUMPIRMA ito ng pari.

Pero ikaw, Trillanes, NI HINDI MO MASABI kung kalian at paano napasakamay mo ang mga text messages KUNO sa pagitan ni ‘Bikoy’ at ng isang pari na hinihingan niya ng panggastos at pangangalaga. HINDI MO RIN PINANGALANAN iyong pari. At WALA ka ring pinangalanan na sinuman na makapagpapatunay na si ‘Bikoy’ nga ang nagtxt at TOTOONG PARI ang katxt niya.

Suma total: Maliban sa text messages na pinakita mo, Trillanes, na HINDI MO RIN NAPATUNAYAN NA HINDI PEKE, WALA kang anumang nailabas na ebidensiya o detalye na puwedeng pruweba na sinungaling nga si ‘Bikoy.’ Higit sa lahat, PURO KA BANTA NA IDEDEMANDA MO si ‘Bikoy’ pero HINDI MO MAGAWA HANGGANG NGAYON.

Sabi nga sa Ingles, Trillanes, PUT UP OR SHUT UP! Tama na ang PURO BANTA, PURO DALDAL. Gawin mo! Ilabas mo ebidensiya mo! Kung ayaw mo, MANAHIMIK KA, MUNA! Kumontra na ang kokontra!
                                                 ***
May bago din po tayong FB page, FREE-FOR-ALL.Type lang ang FREE-FOR-ALL sa search box at enter. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all.30                                          



No comments:

Post a Comment