Para po HINDI TAYO MADAYA sa eleksiyon, mga
kababayan, heto po ang isang paalala mula kay Glenn Chong. Galing ito sa kaniyang Facebook post at wala akong
binago:
Huwag po kayong pumayag na sarado ang mga
pinto at bintana sa silid ng pasuguan o konsulado kung saan gaganapin ang pagpapasok ng mga balotang
pinadaan sa koreo (mailed in balloting). Dapat ay bukas ito sa publiko at nakikita
ng publiko ang buong proceso. Kapag magtatago sila sa loob ng saradong silid,
lahat ng uri ng dayaan ay maaring mangyari. Ireport po ninyo sa amin kung may
pasuguan o konsulado na magsasara ng pinto at bintana sa silid habang
nagpapasok ng mga balota.
COMELEC, linawin ninyo na hindi dapat magtago
ang mga nagpapasok ng mga balota sa makina. Ang tanging nagtatago ay ang mga
magnanakaw lamang. Upang hindi mapagdudahan, buksan ang mga bintana at pintuan.
Payagang magmasid at magbantay ang ating mga kababayan.
Idadagdag ko lang ito, mula sa isang nauna
kong blog:
Pumalag kayo
at ivideo ninyo agad ang anumang MALI O KADUDA-DUDANG MAKIKITA NINYO, o
mangyayari sa inyo. Punahin at tanungin ninyo agad
ang mga nangangasiwa ng botohan. Tapos, ishare agad ninyo sa lahat ng social
media accounts ninyo. Isend rin ninyo sa friends ninyo as a private
message para maging backup file ninyo.
***
Makakatulong
po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at
titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang
magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30
No comments:
Post a Comment