Sa video sa https://news.abs-cbn.com/video/news/04/26/19/umanoy-lider-ng-sindikato-arestado-sa-cainta,
sinabi ng umano’y lider ng Highway Boys criminal gang matapos siyang mahuli sa
Cainta na kay Richard Santillan siya kumukuha ng illegal na droga bago ito
pinatay.
PAGMULTUHAN SANA KAYO, HUWAG SANA KAYONG PATAHIMIKIN
ni Richard. Iyong Highway Boys boss kuno, iyong mga opisyal ng pulis na agad na
naglabas ng istorya at ang ABS-CBN news. LAHAT KAYO! Pagmultuhan sana kayo ni
Richard.
Maliban sa kaniyang salita, WALANG ANUMANG
EBIDENSIYA NA PINAKITA ang boss kuno ng Highway Boys sa alegasyon niyang
supplier niya ng droga si Richard. Mahigit limang buwan na ngang patay si
Richard, gusto pang sirain ang reputasyon.
Ang mga opisyales ng pulis naman, agad na
nagtawag ng media. Pero sa pagpatay kay Richard mismo, HANGGANG NGAYON AY WALA
SILANG ANUMANG MASABI kung ano na ang lagay ng kaso. NEWS BLACKOUT. WALANG
ANUMANG LUMALABAS HANGGANG NGAYON sa national media tungkol sa latest
developments o aksiyon ng kapulisan, KUNG MERON MAN. Kahit na KABI-KABILA na
ang mga pisikal na ebidensiya na sinalvage si Richard at hindi nanlaban, tulad
ng sinasabi ng kapulisan.
Kabilang ang ABS-CBN sa national media. Pero
ngayong may pambanat sa boss ni Richard na si Glenn Chong, LABAS AGAD SILA NG
ISTORYA. KAHIT WALANG EBIDENSIYA.
Pinatay na nga ng walang laban si Richard,
winawsak pa ninyo ngayon ang reputasyon. Hindi lang basta walanghiya ang gagawa
ng ganito. DEMONYO NA!
***
Naka-block na
naman ang account na ito sa mga grupong hindi ako administrator o moderator.
Kaya paki-share na lang, dear readers. From bi-weekly, every five days na kung
iblock ang accouint na ito. At makakatulong po ng malaki para araw-araw
akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa
paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God
Bless us all. 30
Desperate times call for desperate measures. Thats the only thing some police can do.
ReplyDelete