Saturday, April 13, 2019

HONG KONG OFWs, PROTEKTAHAN NINYO BOTO NINYO!


Image result for images of ofw voting in hong kong
Sa mga OFWs sa Hong Kong: PROTEKTAHAN NINYO ang mga boto ninyo!

For your information WALA PANG LUMALABAS sa mainstream media sa mga nagiging problema ninyo diyan sa pagboto. Gayong AUTOMATIC DAPAT na ibalita iyan. Pero parami na ng parami ang mga nagpopost sa social media ng mga nangyayari sa iba’t-ibang lugar diyan --- sirang PCOS,  hindi nabasang mga balota at iba pa.

Considering na LANTARANG NILANGAW ang Ocho Direco diyan kahit na dumating pa si Leni Robredo, at HINDI NABABALITA ang nangyayari sa national media, HINDI IYAN NORMAL.

Kaya ganito gawin ninyo:  Magtulong-tulong kayo at ivideo ang BAWAT ISANG PROBLEMA O KALOKOHAN na daranasin o makikita ninyo. Samahan na rin ninyo ng kuwento o text kung maaari.

Pagkatapos ay IPOST NINYO AGAD-AGAD sa social media at ishare sa lahat ng friends ninyo. LUNURIN ninyo ang social media. Para hindi lang kami dito sa Pilipinas kundi pati mga kababayan natin sa buong mundo ay makita at malaman ang totoong nangyayari.

Sa mga OFWs sa iba pang parte ng mundo, ganito rin ang gawin ninyo. KAYO-KAYO, TAYO-TAYO LAMANG ang maaari nating asahang magtulungan. Hindi lang sa botohan kundi hanggang sa bilangan.  

Bantayan, samahan nawa tayo ng Diyos.
                                                         ***
Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30
                                        
                                   





2 comments:

  1. Hindi kayang itago ang mga kabalbalan na nangyayari. Ganyan ang panggigipit na ginagawa nila sa supporters ni Atty. Glenn. Kaya tama si admin. magtulungan tayo na ipakalat sa soc med ang mga kaganapan sa overseas absentee voting.

    ReplyDelete