Friday, April 26, 2019

HINDI BAWAL BANATAN SI REGINE, OK?


Image result for images for regine velasquez
Sa mga nagsisimula nang umangal sa atake ko kay Regine Velasquez, na kesyo may freedom of expression daw ito at babae daw pero pinatulan ko, basahin at intindihin ninyo ito:

HINDI BAWAL BANATAN SI REGINE. At lalong WALANG BATAS na nagsasabing bawal batikusin ang sinumang babae. Maglabas kayo ng batas na magpapatunay na mali ako at AGAD-AGAD akong magpopost ng blog na nagso-sorry ako kay Regine. As in agad-agad.

Kung WALA kayong mailalabas, MERON DIN AKONG FREEDOM OF EXPRESSION. Lahat ng Pilipino, MAYOON. HINDI LANG si Regine, at lalong HINDI LANG KAYO!

Kung may karapatan si Regine na sabihin ang gusto niyang sabihin, mayroon din ako. At kayo. Kaya nga nagagawa ninyo akong tirahin.

Kung ayaw ninyong mabanatan si Regine, pagsabihan ninyo na MAGISIP MUNANG MABUTING MABUTI. At siguraduhin na alam at naiintindihan niya ang sasabihin niya. Otherwise, PASENSYAHAN TAYO!

Lalo pa at KATANGAHAN ang sasabihin niya tulad nito, mula sa blog ko kahapon: In a follow-up to her tweet to Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin on the poaching by Chinese fisherman of giant clams from Scarborough Shoal, Regine said in a story inhttps://entertainment.inquirer.net/327624/i-wasnt-proud-of-that-but-this-is-about-people-destroying-mother-earth:  “Still this is about people destroying Mother EARTH. It’s the only one we have and so let us love and protect Her.”

HINDI PAREHO O IISA ang Earth at ang Scarborough Shoal, Regine.  BAHAGI LANG ng mundo ang Scarborough. Ni HINDI SIMBOLO ng Earth ang Shoal. Kaya KABOBOHAN para sabihin ninuman na ang poaching ng giant clams  “is about people destroying Mother EARTH.” At masira man, partially o totally ang shoal, hindi ibig sabihin ay BUONG MUNDO na ang mawawasak. Itama ako ninuman agad-agad kung mali ako.
                                                   ***
Naka-block na naman ang account na ito sa mga grupong hindi ako administrator o moderator. Kaya paki-share na lang, dear readers. From bi-weekly, every five days na kung iblock ang accouint na ito. At makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30 


No comments:

Post a Comment