Sunday, April 14, 2019

COVER-UP SA LANTARANG SENYALES NG DAYAAN!


 Image result for images for overseas absentee voting
Mga kababayan, COVER-UP NA ang nangyayari sa mga LANTARANG SENYALES NG DAYAAN sa overseas absentee voting OAV). Kung saan-ssang lugar na nanggagaling ang mga post sa mga nangyayari pero hanggang sa sinulat ko ang blog na ito, WALANG BALITA   sa mainstream o national media websites.

WALA ring statement o pahayag ang Comelec.

Sa London sa United Kingdom, WALANG RESIBO NA BINIGAY sa mga bumoto. At HINDI ang mga botante ang naglagay ng balota nila sa PCOS machine. Pinaiwan na lang sa kanila. Panoorin ninyo ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=1Q7pGQo34co

Sa Italy, may mga lugar na walang balota.

Mula naman sa isang OFW sa Singapore: “Bakit kaninang nagboto kami yung mga balota namin hindi idinaan sa PCOS machine? Ipinahulog lang nila sa ballot box?” Sa Hong Kong, sirang mga PCOS machine at mga balotang hindi mabasa.   Sa Cairo sa Egypt, ayon sa isang matagal ko nang reader, WALA daw PCOS.

Nangyari ang lahat ng ito sa kabila ng PAGYAYABANG ng Comelec na ready na sila sa OAV.

Tulad ng sinabi ko sa mga OFW sa sinundang blog nito, TAYO-TAYO lamang ang makakatulong, at makakaprotekta, sa mga boto natin, mga kababayan. HARAP-HARAPAN na tayong ginagago. May kasama pang cover-up.
                                                        ***
Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30



No comments:

Post a Comment