Malaking TANGA ang sinumang maniwala o
magaksaya ng oras sa video na nagsasabing tumatanggap ng suhol si Paolo Duterte
mula sa mga drug lords. Kung hindi TANGA, TSISMOSO O TSISMOSA O BAYARAN ng mga
anti-Duterte gangs.
Una: WALANG MUKHA, HINDI PINAKITA ng tumira
kay Paolo, ang PAGMUMUKHA NIYA. Boses lamang.
Mistula siyang MULTO O SIMBOLO ni Kamatayan. Kaya SAAN MAN DAANIN, WALANG
KREDIBILIDAD KAILANMAN ang Isang AYAW MAGPAKITA habang sinisiraan niya ang
ibang tao. Sino mang tunay na abogado ang tanungin, HEARSAY O TSISMIS lang ang
binanat ng ‘multong iyon.’
Pangalawa: HINDI NAPATUNAYAN ng nasa video na
certified true copy ang mga bank records KUNO ni Paolo at ng kapatid ng bayaw
nito na pinakita niya. Tulad ng alam nating lahat, sa Recto lamang sa Maynila ay
madaling magpagawa ng bank records KUNO o iba pang klaseng PEKENG DOKUMENTO.
Pangatlo: Mula sa drug lords kuno ang tinatanggap na suhol ni Paolo pero si PAOLO
LAMANG ang tinira sa video at ang kapatid ng bayaw niya. Walang binanggit ni
isang drug lord, o sinumang aktwal na nagpapalusot KUNO ng mga illegal drugs.
Pangapat: Matagal na KUNO na tumatanggap ng
suhol si Paolo pero HINDI KAILANMAN KINASUHAN. Sa halip na kasuhan, social media
pa ginamit ngayon. Panglima: May kinonsulta
akong mga dating anti-narcotics agents. Lahat sila, sinabi na ang mga mga suhol
ng mga drug lords ay nilalagay lamang sa mga ORDINARYONG notebook o blue book. HINDI
sa mga printouts na tulad ng pinakita ng ‘multo’ sa video.
Bottomline:
GIGIMIK DIN LANG kayo laban kay Paolo Duterte, WALA naman pala kayong
mga UTAK. Kumontra na ang kokontra.
***
Nakablock pa rin ako sa mga groups na hindi ako admin or moderator. So paki-share na lag ito ng mga babasa, please. Makakatulong po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. LIbre ho ang magclick. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30
No comments:
Post a Comment