Monday, July 2, 2018

3 TANONG SA HALILI ASSASSINATION!


Halili has been the mayor of the city of Tanauan since 2013 [AP]
May tatlong tanong ako sa pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili kahapon ng umaga.

Una: Bakit kotse at HINDI AMBULANSIYA ang pinagsakyan kay Halili para itakbo siya sa ospital matapos siyang barilin? Ambulansiya ang DAPAT NA SASAKYAN dahil may mga gamit iyon na makakatulong sa biktima at PRIORIDAD ITONG PARAANIN kapag nasa kalsada at sumisirena. Mayron naman sigurong ambulansiya ang Tanauan City Hall.

Pangalawa: Sa harapan nakapuwesto ang killer. Ayon sa mga inisyal na balita, pumuwesto ito sa madamong lugar malapit sa city hall. Ang inisyal na estimate ng pinuwestuhan ng killer ay mula 160 hanggang 200 metro lamang ang layo.

HINDI BA ININSPEKSIYON ng mga security ang paligid ng city hall bago dumating si Halili? At WALA BANG GUWARDIYA O PATROLYA doon sa madamong lugar na pnuwestuhan ng killer?

Itama ako ninuman kung mali ako pero sa aking kaunting alam sa security procedures, BASIC ang pagiinspeksiyon sa paligid ng lugar na pupuntahan ng opisyal na maaaring pagtaguan o puwestuhan ng sinumang papatay sa kaniya.  Ganoon din ang katwiran sa loob mismo ng lugar.

May karugtong itong blog na ito bukas, mga kababayan. 30

  

No comments:

Post a Comment