Tuesday, April 24, 2018

TAKOT BA ANG COMELEC KAY LENI ROBREDO?

Image result for leni robredo and andres bautista
LENI WITH 2016 ELECTION COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

May isang  dapat liwanagin ang Comelec sa Sambayanang Pilipino: TAKOT BA SILA KAY LENI ROBREDO? Kung hindi sila takot, KAKAMPI  ba sila?

Sa isang ulat sa PTV news, may mga basa at masangsang ang amoy na mga balota muyla sa bayan ng Canaman sa Camarines Sur ang nadiskubre na sa recount ng mgfa botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo. Ito ang PINAKABAGO sa mga DAYAANG nabuko na ng mga revisor ng recount sa Camarines Sur. Nauna rito ang mga basang balota, pre-shaded na balota, nawawalang voter’s receipts at iba pang dokumento na sunud-sunod at hiwa-hiwalay na nabuko mula sa mga balota sa Ocampo, Bato, Baao, Naga City, Garchitorena at ilan pang lugar


Pero PUNYETA, HANGGANG NGAYON AY WALANG NABABALITANG AKSIYON na ginawa na ng Comelec para maliwanagan ang mga KAWALANGHIYAANG ITO. WALANG nababalita kahit isang tao na iniimbestigahan na, sinuspinde o pinagpapaliwanag man lamang. Samantalang MAY LISTAHAN SILA ng mga tauhan nilang naka-assign sa mga bayiang kinakitaan na ng dayaan. Pati na ang mga address ng mga ito. Kaya’t WALANG PANAHONG MAAKSAYA para aalamin pa nila kung sino-sino angmga dapat magpaliwanag o managot.

Ni  walang nababalitang nagalit o kinondena man lamang ng Comelec ang mga dayaang nabibisto na. Idagdag pa sa mga ito ang m,ga NAUNA NG SENYALES NG DAYAAN na hindi rin inaksiyunan o pinansin ng Comelec, tulad ng hindi awtroriasadong pagbabago na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server at ang PAGAMIN ng Smarmatic na gumamit sila ng iba pang survey na HINDI NILA IPINAALAM sa Comelec.

Pero sa kabiLa ng lahat ng ito, para bang WALANG NANGYARI AT NANGYAYARI, WALANG NADIDINIG O NAKIKITA ANG Comelec. WALANG ANUMANG AKSIYON. Itama ako ninuman kung mali ako. Kung hindi ako mali, PAKAPALAN NG MUKHA na lang ba talaga ang labanan ngayon?30



2 comments:

  1. Grabe talaga! Thank God dahil may mga post/write up/comments na ganito. Nawa matauhan ang kinauukulan at gawan ng karapatang aksiyon ang protest na ito na lantarang pandaraya.

    Mabuhay po kayo Mr. Boyet Antonio! Keep up the good work��

    ReplyDelete