PAULIT-ULIT ka sa pagsasabi na imbento lang
ang mga ebidensiya ni Bongbong Marcos sa pandarayang ginawa sa kaniya noong
2016 election. Pero WALA KA NAMANG MAILABAS KAHIT ISANG TESTIGO O PRUWEBA para
patunayan ang mga sinasabi mo. DESPERADO ka na ngang IKONDISYON ang utak ng
sambayanan, BULOK AT KABOBOHAN pa ang istilo mo.
Kaya para magkaalaman na kung sino ang tunay
na SINUNGALING, Mac: MAGLABAS KA NG TESTIGO O ANUMANG EBIDENSIYA na bagyong
ilang buwan na (o taon ba) ang nakararaan ang siyang dahilan ngmga BASANG
BALOTA na nakita sa bayan ng Bato. Siguraduhin mong sinuman ang ilalabas mo ay
kayang IPALIWANAG kung bakit HINDI NA NATUYU-TUYO yung mga balota.
Maglabas ka rin ng testigo o ebidensiya na
magpapatunay na imbento lamang ang mga EXCESS O HINDI NAGAMIT na mga balota na
MAY SHADE NA para sa amo mong si Leni Robredo. At liwanagin nating mabuti,
HINDI KAY BONGBONG GALIN G ang mga naturang balota. At HINDI PA RIN SINASABI ng
sinuman sa Presidential Electoral Tribunal (PET) hanggang ngayon na imbento nga
lang ang mga ito.
Isama mo na rin yung mga ballot images na
nagpapakita ng square sa tabi ng pangalan ng amo mong si Leni, na inexpose ni
Bongbong ilang linggo na ang nakakaraan. Alam na alam mo, at ng buong
sambayanan, na ang mga images na iyon ay GALING SA PRESIDENTIAL ELECTORAL
TRIBUNAL. Pero pati iyon ay sinabi mong imbento rin ni Bongbong, Kaya maglabas
ka rin ng katibayan na imbento lamang niya iyon.
TESTIGO AT PISIKAL NA EBIDENISYA ang ilabas mo,
Macalintal bilang kontra ebidensiya mo. HINDI PUWEDENG SALITA MO LAMANG ay
sapat nang pruweba. BINABANGUNGOT KA kung akala mo ay mayroon kang ganoong
kalaking kredibiliad.
Kung WALA
kang mailalabas na testigo at pisikal na ebidensiya, Macalintal, IKAW
ANG NAGIIMBENTO at hindi si Bongbong. Tumigil ka na lang sa kadadalda..kung may
kahihiyan ka pa. 30
No comments:
Post a Comment