Thursday, April 26, 2018

ILAN PANG DAYAAN ANG KAILANGAN, COMELEC?


Image result for images for comelec

Punyeta, HANGGANG NGAYON WALANG NABABALITANG AKSIYON ang Comelec sa SUNUD-SUNOD NA DAYAANG nadidiskubre sa revision/recount ng mga balota sa Camnarines Sur na sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo.  

ILAN PA BANG DAYAAN ang kailangang MABISTO, Comelec, bago kayo kumilos? Lima, 10, 100, 1,000? BUONG PILIPINAS MUNA dapat may makitang pandaraya na pabor kay Leni bago kayo magimbestiga o magtanong-tanong man lamang?

TUKOY naman na ang mga bayan sa Camarines Sur na kinakitaan ng dayaan tulad ng Bato, Baao, Ocampo, Garchitorena, Canaman at ang Naga City. Tulad ng naisulat ko na, tiyak na MAY LISTAHAN KAYO NG MGA TAUHAN NINYONG NAKA-ASSIGN sa mga lugar na iyon noong 2016 election.

Pero KAHIT ISA, WALANG NABABALITANG pinatawag na ninyo o sinuspiunde para maimbestigahan. Minsan lang kayong nagsalita na iimbestigahan ninyo, nang madiskubre yung mga basing balota galling sa Bato. Pero matapos ang DALDAL NA IYON, WALA na kayong iniulat na anumang resulta o hakbang na ginawa ninyo.

ANO BA MERON, Comelec? Bakit para kayong BULAG, PIPI AT BINGI sa mga nadidiskubreng DAYAAN sa Camarines Sur? HAWAK ba kayo sa leeg o KONTROLADO ba kayo ni Leni o ninuman? Hindi rin naman ninyo masabing hindi pandaraya ang mga nabubuko sa Camarines Sur. Pero HINDI RIN KAYO KUMIKILOS.  Kung yung gag order naman ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang ikakatwiran ninyo, nabuko na yung sa Bato at Baao bago inilabas iyon. Pero WALA RIN KAYONG GINAWA, AGAD. At itama ako ninuman kung mali ako, yung gag order PARA SA KAMPO LANG NINA LENI AT BONGBONG, pati na mga rtepresentatives o kinatawan nila. Kasama ba kayo sa kampo ni Leni? Representative niya ba kayo?

Baka gusto ninyong pumarehas kahit konti, Comelec. Taumbayan, MGA BOTANTE naman ang nagpapasweldo sa inyo. 30









No comments:

Post a Comment