Wednesday, April 25, 2018

NON-STOP DAYAAN SA PROBINSIYA NI ROBREDO

Image result for leni robredo with romy macalintal

WALANG PATID ang mga DAYAAN NA NADIDISKUBRE sa homeprovince ni Leni Robredo na Camarines Sur sa patuloy na revision/recount ng mga botong sakop ng protesta ni IBongbong Marcos laban sa kaniya.

Here are excerpts from a Facebook post by lawyer and election expert Glenn Chong on the latest developments:

Ayon sa mga revisors, nang magsimulang buksan ang mga ballot boxes mula sa Canaman, biglang bumaha ng basang balota. Sa 16 ballot boxes, 11 ang basa ang mga lamang balota at election documents. Dagdag pa ng mga revisors, nangangamoy ng kemikal ang mga laman ng ballot boxes.

“May mga balotang hiniwalay at ipinasok sa loob ng plastic bag kaya hindi nasira habang yung nasa labas ng plastic bag ang nasira dahil nakababad sa pinaghihinalaang kemikal. It would be interesting na malaman natin kung kaninong mga balota ang nasa loob ng plastic bag at kaninong balota naman ang ibinabad sa pinaghihinalaang kemikal,” ayon sa isang revisor.

Ang mga balota ay dapat bumagsak lahat sa ballot box mula ng ito ay ipinasok o isinubo ng botante sa makina na nakakabit sa bandang itaas. Hindi ito dapat pinakialaman, pinaghihiwalay, inayos o ipinasok sa plastic bag.

Heto ang mas matindi, mga kababayan: Ang Canaman ay mayroong 36 clustered precincts. Dapat ay 36 ballot boxes lahat ang kinuha mula rito. Pero 16 ballot boxes lamang ang natanggap ng PET. Hindi pa alam kung nasaan ang natitirang 20 ballot boxes.

Sa bayan ng Gainza, ang mga resibo ng botante na nakita sa loob ng mga ballot boxes ay hindi tugma sa mga balota ng mga nasabing presinto. Ibig sabihin, nagkaroon ng mix up ang mga voter receipts at mga ballot boxes.Hindi ito dapat nangyari dahil ang mga ballot boxes at ang kaakibat nitong mga voter receipts ay hinawakan ng iba’t-ibang boards of election inspectors at malayo ang mga ito sa isa’t-isa. Maliban na lamang kung ang mga ballot boxes ay binuksang muli matapos ang halalan. Ito lamang ang maaaring dahilan ng mix up.

HUWAG ninyong kalilimutan, mgakababayan, nanuna nang nadiskubre ang mga ebidesiyang ito ng dayaann mula sa iba pang bayan ng Camarines Sur: Mga basa ring balota, pre-shaded na sobrang balota para kay Robredo, boto ni Robredo na mas marami pa kesa aktwal na bilang ng mga bumoto, mga dahon sa loob ng ballot boxes, nawawalang voter’s receipts,mga balotang may paso ng sigarilyo at iba pa.

At NASISIKMURA PANG SABIHIN NINA Robredo at ng kaniyang abogado na si Romulo Macalintal na malinis angh naging panalo ni Leni. 30



No comments:

Post a Comment