Monday, February 19, 2018

TRILLANES PINASIKAT LAMANG LALO SI BONG GO!

Image result for images of bong go

19 Feb. 2018

Sa tanggapin o hindi ni Antonio Trillanes, LALO NIYANG PINASIKAT si Special Assistant to the President Bong Go matapos ang Senate hearing kanina tungkol sa frigate deal sa Philippine Navy.

Sa kabila ng maraming press releases, WALANG NAPATUNAYANG PAKIKIALAM sa anumang paraan si Go sa transaksyon. WALANG ANUMANG EBIDENSIYA na naipakita si Trillanes. Inulit lamang niya ang pagpapakita ng mga sulat mula sa mga opisyal at opisina na may kinalaman sa transaksiyon, kabilang na ang tanggapan ni Bong. Subalit walang anumang napatunayang illegal o immoral na aksiyon ni Bong.

Napatunayan din sa hearing kanina na si Noynoy Aquino pa ang president nang matapos ang kontrata. WALANG NABAGO O BINAGO hanggang sa pimahan ito ni kasalukuyang Defense Sec. Delfin Lorenzana. Kaya KALOKOHAN AT KABOBOHAN na para ipilit ninuman na nakialam si Bong.

Panghuli, INAMIN ng dating Navy chief na HINDI NAKIALAM si Bong sa transaksiyon.   At harap-harapang naghamon si Bong na maaaring tawagan o kausapin ninuman ang lahat ng opisyales ng Navy na may kinalaman sa transaksiyon kung siya ay nakialam. Walang tumanggap ng hamon.

Resulta: NAKITA AT NAPATUNAYAN ng sambayanan na MATINO si Bong. Mula sa numero unong kritiko ng amo nitong Si Pangulong Digong Duterte. At nang wala itong anumang kinailangang gawin. Kay Trillanes naman, LALO NIYANG BINAWASAN ang anumang kredibilidad na sa palagay niya ay natitira pa sa kaniya.

Kaya huwag na tayong magulat kung maging senador, o mahalal sa anumang posisyon, si Bong sa 2019. 30



No comments:

Post a Comment