Monday, February 5, 2018

KAMPO NI LENI: SINUNGALING O ULYANIN!

Image result for i,mages of romulo macalintal

06 Feb. 2018

Kung hindi ULYANIN AY SINUNGALING ang kampo ni Leni Robredo.

Sa isang balita sa gmanews.tv (http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/642317/robredo-camp-accepts-marcos-challenge-to-withdraw-pending-motions/story/), sinabi ng abugado ni Leni na si Romulo Macalintal na tinatanggap nlla ang hamon ng kampo ni Bongbong Marcos na sabay nilang withdraw ang lahat ng kanilang pending motions kagunay ng protesta ni Bongbong sa Presidential Electoral Tribunal (PET).  

Pero ILANG ARAW PA LAMANG ang nakakaraan, puno ng katiyakan na sinabi ni Macalintal sa isang istorya sa gmanews.tv  na WALA silang pending motions at ang hamon ng kampo ni Bongbong ay  "clear manifestation that he (Bongbong) regrets and lacks confidence in the would be results of the recount. Ito ang link ng istoryang iyon: (http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/642183/robredo-lawyer-to-bongbong-there-is-no-pending-motion-delaying-recount/story/?just_in 

Ilang araw bago ito, sinabi rin ng babaeng abugado ni Leni na wala silang pending motion at tinawag pang PR (public relations) dimmick ang hamon ng kampo ni Bongbong. Pero ngayon, biglang tinatangagap ang hamon at nagtakda pa ng oras ng pirmahan si Macalintal, bukas ng alas-9 ng umaga.

Kaya uulitin ko, kung hindi ULYANIN ang mga ito ay SINUNGALING. Take your pick, my dear readers. 30



2 comments:

  1. Macalintal and team Lugaw are LIARS! It could be both. Pag sinungaling kasi ang tao, hindi na nagtutugma-tugma ang mga sinasabi.Ang defense ni Macalintal ay puro kasinungalingan kaya nawiwindang na.Dahil kung totoo, kahit balibaliktarin pa,yon pa rin ang lalabas.

    ReplyDelete