12 Feb. 2018
Paulit-ulit na ang pannira ng kung sinu-sino
na diktador si Pangulong Digong Duterte sa pagpapalajkad nito sa bansa. Para sa
akin, BOBO AT MANLOLOKO ang magpumilit nito.
Una: Nandiyan pa ang Sernado at House of
Representatives. HINDI PA PINASASARA ni Digong. Pangalawa: Senado at House of
Representatives PA RIN ANG GUMAGAWA NG MGA BATAS. HINDI si Digong. Pangatlo,
HINDI PA PINASASARA ni Digong ang Inquirer, ABS-CBN, GMA-7 at iba pang media
companies na naglalabas o nabo-broadcast ng mga batikos sa kaniya. Pinasasara
man ang Rappler, to ay dahil sa paglabag sa batas sa negosyo at HINDI DAHIL SA
PAGBANAT sa Pangulo.
Pangapat: HINDI PA PINAPAARESTO sina Antonio
Trillanes, Risa Hontiveros ar iba oang regular na tumitira kay Digong. Ni hindi
sila idinedemanda ng libel o ng anuman ng Pangulo o ng sinuman sa pamlya nito. Panglima:
WALA pang isinasagawang MASS ARRESTS o malawakan at maramihang pagaresto sa
sambayanan, ng mga bumabatikos o nambabastos kay Digong at sa mga miyembro ng
pamilya nto.
Panganim:
Kahit kailan, WALANG SINABI ang Pangulo na BAWAL SIYANG BATIKUSIN, o
sinuman sa pamilya niya, ninuman at
kailanman. Pangpito: WALA ring nabalita kailanman na inutusan o nagsuggest si
Digong sa mga kakampi niya sa Senado at sa House na magpas ang batas na
nagbabawal sa pagbatikos sa kaniya o sa pamilya niya.
Kaya sige nga, PAANO NAGING DIKTADOR SI
DIGONG? Welcome sumagot ang kahit na sino. (Mababasa ninyo ang iba ko pang
sinulat sa forumphilippines.blogspot.com o sa aking Facebook page na
forumphilippines). 30
No comments:
Post a Comment