19 Feb. 2018
Sarah Elago, KAYO ng mga katropa mo ANG
HUMANDA SA KAHIHIYAN, hindi si Pangulong Duterte at ang sambayanan sa
pinagyayabang ninyong tiyak na pagpapatalsik kay Digong sa gagawin ninyong
rally sa Feb. 25. Bakit?
Hanggang ngayon, KAHIT ISANG MALAKI AT
NEUTRAL na organisasyon ay WALANG NAGDEDEKLARA NG SUPORTA O PAGSAMA sa gagawin
ninyong rally. Itama ako ninuman sa inyo kung mali ako. KAYO-KAYO lamang sa Oposisyon at sa KALIWA, o
mga KOMUNISTA, ang masigasig na
nagsasabing malaki ang rally ninyo.
Sa katunayan, ang kasangga ninyong si Vicky
Garchitorena ay nagpost na sinuman ang sasama sa rally ninyo ay MAGSAMA rin ng 5
HANGGANG 10 KATAO. Ibig sabihin, DUDA KAYO NA MARAMI ang sasama sa rally ninyo.
Dahil kung kumpiyansa kayo, HINDI MAGSASALITA si Ms. Garchitorena ng ganoon.
PUNO NG KAYABANGAN NA TINIYAK mo ang
paglaglag ni Digong sa puwesto, at ang pagpalit sa kaniya ni Leni Robedo, nang
ianunsiyo ninyo ang rally ninyo, Ms. Elago. Pero ialng araw na lamang, NI ISANG
SUPORTA ay walang nababalitang may nakuha na kayo.
Kaya MALALA ka pa sa adik na high sa illegal na
droga kung sa palagay mo ay mapapatalsik ninyo si Digong ng KAYO-KAYO lamang,
Ms Elago. Humanda na kayong mapahiya at tulad ng sinulat ko na sa isang
nakaraang blog, HUWAG KANG IIYAK, AANGAL NG POLICE BRUTALITY O MAGTATAGO kung
may mangguguglo sa inyo at aarestuhin ka! 30
No comments:
Post a Comment