28 Feb. 2018
Whether they admit it or not, the indefinite
leave of Chief Justice Maria Lourdes Sereno will be a BIG LOSS to Leni Robredo,
in Bongbong Marcos’s protest against her.
Bale KABAWASAN NG ISANG BOTO para kay Leni
ang magiging INDEFINITE leave ni Sereno sa anumang paguusapan at pagbobotohan
pa ng Presidential Electoral Tribunal (PET) habang sinasagawa ang recount (SANA NGA, MULA SA Marso 19) ng mga botong
sakop ng protesta ni Bongbong.
Kaugnay nito, WALA na ring maaasahan si Leni
na anumang patuloy at siguradong IMPLUWENSIYA O ALALAY sa anumang paraan sa
magiging takbo ng protesta ni Bongbong habang nakabakasyon si Sereno.
Kabilang na sa mga walang katiyakang ito ang
pananatili ni Justice Alfredo Benjamin Caguioa, na katulad ni Sereno ay appointee
rin ni Noynoy Aquino, bilang supervising justice para sa Bongbong protest.
Kahit paano, mas gaganda na ang laban ni
Bongbong. 30
No comments:
Post a Comment