Saturday, February 17, 2018

BUWAGIN NA ANG INUTIL NA CHR!

Image result for images of joanna demafelis

18 Feb. 2018

Higit kailanman, PANAHON NA PARA BUWAGIN ANG WALANG SILBING Commission on Human Rights (CHR).

Si Joanna Demafelis, pinatay sa bugbog at masahol pa sa hayop na ITINAGO ANG BANGKAY sa freezer ng halos dalawang taon. Pero KAHIT ISANG SALITA NG PAKIKIRAMAY sa pamilya nito, o ng pagbatikos sa rtecruiter ni Joanna, WALANG NARINIG sa CHR.  Ilang araw pa lamang ang nakakaraan,  pinatay ang deputy police chief ng Cainta sa isang anti-illegal drug operation. BULAG, PIPI AT BINGI rin ang CHR.

Samantalang may human rights din sina Joanna at ang deputy police chief. Lalo pa ang KARAPATANG MABUHAY. At PAREHONG NAGBAYAD NG BUWIS o iba pang bayarin sa gobyerno ang dalawang ito. Buwis o bayarin na PINANGGALINGAN DIN NG MILYUN-MILYONG GINAGASTOS ng CHR.

Pero kapag rebeldeng Komunista, drug lord o pusher, o iba pang klaseng KRIMINAL ang napatay, MASAHOL PA SA PALENGKERONG BAKLA  ang CHR kung MAKAANGAL at mabilis pa sa KIDLAT kung magdeklara na iimbestigahan nila ang nangyari. At HUWAG NATING KALIMUTAN, mga kababayan, na KAHIT MINSAN HINDI KINONDENA O BINATIKOS ng CHR ang mga druglord/pusher at mga komunistang rebelled kapag PUMAPATAY O GUMAGAWA NG KAHAYUPAN ang mga ito sa mga inosenteng sibilkyan.

SAGAD NA KATARANTADUHAN na patuloy NATING SAMABAYAN NA GASTUSAN ang CHR. Kung hindi man sila bubuwagin, sa mga druglord/pusher, komunistang rebelde at iba pang kriminal sila humingi ng pondo. Dapat nang matapos ang PANGGAGAGO AT PAGLUTO SA ATIN SA SARILI NAITNG MANTIKA ng CHR.

Kumontra na ang kokontra!At kungmay magsasabi na sa CHR lamang puwedeng tumakbo ang mga biktima ng pangaabuso ng pulis o militar, SINUNGALING IYON! Ipapaliwanag ko iyons a kasunod nitong blog.


Maaari ninyong mabasa  ang iba ko pang mga blogs o sinulat  sa forumphilippines.blogspot.com  o sa aking Facebook page na forumphilippines. 30

No comments:

Post a Comment