Sunday, February 25, 2018

2 SOLIDONG BASEHAN NA NILANGAW ANG ‘PEOPLE WERPA!’

Image result for images of vicky garchitorena
VICKY GARCHITORENA

26 Feb. 2018

May DALAWANG SOLIDONG BASEHAN kung bakit HNDI MAIKAKAILA NINUMAN NA NILANGAW ang ‘People Werpa’ rally ng mga kontra kay Pangulong Duterte kagabi, sa pagtatapos ng tatlong araw na paggunita sa EDSA 1.

Una: Hanggang sa sinulat ko ito ay KALAT NA ang balitang NILANGAW ang ‘People Werpa.’ Pero nang tingnan ko ang mga pangunahing news websites, WALA KAHIT ISANG BALITA na nagsasabing HINDI ITO TOTOO. Pangalawa: KAHIT ISA sa mga organizer o mga pulitiko na Oposisyon na dumalo ay WALA RING MASABI na malaking tagumpay ang naturang kilos protesta.

Ang lahat ng ito ay sa kabila ng katotohanang LINGGO kahapon at WALANG PASOK SA OPISINA O ISKUWELA. At ng PAULIT-ULIT na panawagan sa social media ng iba’t-ibang tao gaya ni Vicky Garchitorena para sumali.

Kung LIBU-LIBO O DAANG LIBO ang sumali sa ‘People Werpa’ ay KANINA PA sana ito ibinalita ng mga pangunahing media companies gaya ng Inquirer at ABS-CBN. Pati na rin sa social media. Pero wala, as in BOKYA!


Kaya’t tulad ng sinabi ko sa sinundan nitong blog, ALAM NA DIS kung sno ang may kredibilidad sa higit na nakararami sa sambayanan at kung sino ang WALA! Kumontra na ang kokontra! 30

No comments:

Post a Comment