19 Feb. 2018
Sa tanggapin o hindi ni Antonio Trillanes,
LALO NIYANG PINASIKAT si Special Assistant to the President Bong Go matapos ang
Senate hearing kanina tungkol sa frigate deal sa Philippine Navy.
Sa kabila ng maraming press releases, WALANG
NAPATUNAYANG PAKIKIALAM sa anumang paraan si Go sa transaksyon. WALANG ANUMANG
EBIDENSIYA na naipakita si Trillanes. Inulit lamang niya ang pagpapakita ng mga
sulat mula sa mga opisyal at opisina na may kinalaman sa transaksiyon, kabilang
na ang tanggapan ni Bong. Subalit walang anumang napatunayang illegal o immoral
na aksiyon ni Bong.
Napatunayan din sa hearing kanina na si
Noynoy Aquino pa ang president nang matapos ang kontrata. WALANG NABAGO O BINAGO
hanggang sa pimahan ito ni kasalukuyang Defense Sec. Delfin Lorenzana. Kaya
KALOKOHAN AT KABOBOHAN na para ipilit ninuman na nakialam si Bong.
Panghuli, INAMIN ng dating Navy chief na
HINDI NAKIALAM si Bong sa transaksiyon. At harap-harapang naghamon si Bong na maaaring
tawagan o kausapin ninuman ang lahat ng opisyales ng Navy na may kinalaman sa
transaksiyon kung siya ay nakialam. Walang tumanggap ng hamon.
Resulta: NAKITA AT NAPATUNAYAN ng sambayanan
na MATINO si Bong. Mula sa numero unong kritiko ng amo nitong Si Pangulong
Digong Duterte. At nang wala itong anumang kinailangang gawin. Kay Trillanes
naman, LALO NIYANG BINAWASAN ang anumang kredibilidad na sa palagay niya ay
natitira pa sa kaniya.
Kaya huwag na tayong magulat kung maging
senador, o mahalal sa anumang posisyon, si Bong sa 2019. 30
No comments:
Post a Comment