25 Feb. 2018
Delikadong sumama sa tinatawag na People Werpa
rally ngayon ng mga gustong patalsikin sa Pangulong Digong Duterte sa puwesto.
Bakit? Sa IKALAWANG PAGKAKATAON sa magkasunod na mga araw, PUMALPAK na naman
ang kilos-protesta ng mga kontra sa Pangulo.
Ayon sa mga news reports, umabot lamang sa HUMIGIT-KUMULANG
NA 1,300 ang mga sumali sa rally laban sa pagbabago ng Konstitusyon na suportado ni Digong. Kahit na Sabado kahapon
at halos lahat ay walang pasok sa opisina o iskwela. At 7:27 pm. pa lamang ay natapos na rin ang protesta. Sinundan nito ang
DERECHAHANG PAGYAYABANG ni Sara Elago na MAPAPATALSIK na nila ng mga kakosa
niya si Digong noong BIyernes at si Leni Robredo na ang magiging presidente.
Aminin man o hindi ng mga pro-oust
Digong, HINDI NA MAIKAKAILA na ebidensiya ang dalawang kapalpakan na ito na
AYAW SA KANILA ng greater majority (higit na nakararami) ng sambayanan. Kaya’t
kailangan nilang gumawa ng gimik na maisisisi sa Pangulo at ikagagalit ng
taumbayan. At ang PINAKA-MABILIS na paraan ay MANGGULO O GUMAWA ng karahasan sa
rally nila ngayon. At ituro ang panig ng gobyerno na siyang nagsimula.
Kaya TANDAAN NINYO, mga
kababayan: WALANG DAHILAN Si Digong at WALA SIYANG MAPAPALA kung sa panig ng
gobyerno magmumula ang anumang kaguluhan. Lalo pa’t NAKITA NA ng sambayanan na
iilan-ilan lamang ang pumapansin sa mga gustong MAALIS siya bilang presidente.
Mga kontra-Digong LAMANG ang
magkakaroon ng motibo na gumawa ng anumang gulo, para MAGMUKHANG SUPER-SAMA ang
Pangulo kaya’t dapat silang suportahan para mawala ito sa Malacanang.
Sa lahat ng gustong sumama sa
rally, MAGISIP-ISIP KAYO NG MABUTING-MABUTI. 30
No comments:
Post a Comment