09 Feb. 2018
Presidential Electoral Tribunal (PET) Justice
Alfredo Benjamin Caguioa: Si LENI ROBREDO ang DAPAT MONG PAHIRAPAN, hindi si
Bongbong Marcos.
Iyon ay kung PAREHAS KA, AT HINDI PROTEKTOR
ni Leni sa protesta laban sa kaniya ni Bongbong Marcos. O kaya ay kung WALA
KANG KINAKATAKUTAN kung aaksiyon ka
laban kay Leni. HINDI KA NAMAN BULAG, PIPI AT BINGI para hindi mo maisip na si
Leni ang MAY MGA ATRASO sa PET, hindi si Bongbong.
Halimbawa: ILANG BUWAN nang tapos ang
deadline para bayaran ni Leni ang balanse ng counter-protest fee niya laban kay
Bongbong. Pero kahit minsan, WALANG NABALITA O NADINIG MULA SA IYO na
pinasisingil mo na si Leni. Itama ako ninuman kung mali ako.
Si Bongbong LAMANG ang pinagbayad SA LAHAT NG
GASTOS sa decryption ng mga balota na sakop ng kaniyang protesta laban kay
Leni. Kahit piso, HINDI NABALITA na pinagbabayad mo si Leni. Pero ISANG HIRIT
lang ni Leni kung puwede siyang MAKAKUHA NG MGA LIBRENG KOPYA ng photocopies ng
mga originals ng decryption, approved agad.
Higit sa lahat, MALINAW ANG PANDARAYANG
GINAWA kay Bongbong base sa photocopies ng decryption na mismong ang PET ang
nagbigay sa kaniya. Pero WALA KANG ANUMANG NAGING AKSIYON. KAHIT ISANG SALITA,
walang narinig mula sa iyo na iimbestigahan agad ang pandaraya.
Sa halip, si Bongbong pa rin ang PINAHIRAPAN
MO sa pamamagitan ng PAGDELAY NA NAMAN ng recount.
Kung HINDI MO KAYANG BANGGAIN si Leni Mr. Caguioa, ANUMAN ANG DAHILAN,
magkaroon ka naman ng kahit GA-BUHOK NA KAHIHIYAN at agad na MAGINHIBIT. Hindi
lang bilang supervising justice sa protesta ni Bonbong laban kay Leni kundi bilang miyembro na rin
ng PET.
No comments:
Post a Comment