Sunday, February 18, 2018

KAYO ANG HUMANDA SA KAHIHIYAN, ELAGO!

Image result for images of sarah elago

19 Feb. 2018

Sarah Elago, KAYO ng mga katropa mo ANG HUMANDA SA KAHIHIYAN, hindi si Pangulong Duterte at ang sambayanan sa pinagyayabang ninyong tiyak na pagpapatalsik kay Digong sa gagawin ninyong rally sa Feb. 25. Bakit?

Hanggang ngayon, KAHIT ISANG MALAKI AT NEUTRAL na organisasyon ay WALANG NAGDEDEKLARA NG SUPORTA O PAGSAMA sa gagawin ninyong rally. Itama ako ninuman sa inyo kung mali ako.  KAYO-KAYO lamang sa Oposisyon at sa KALIWA, o mga KOMUNISTA, ang masigasig  na nagsasabing malaki ang rally ninyo.

Sa katunayan, ang kasangga ninyong si Vicky Garchitorena ay nagpost na sinuman ang sasama sa rally ninyo ay MAGSAMA rin ng 5 HANGGANG 10 KATAO. Ibig sabihin, DUDA KAYO NA MARAMI ang sasama sa rally ninyo. Dahil kung kumpiyansa kayo, HINDI MAGSASALITA si Ms. Garchitorena ng ganoon.

PUNO NG KAYABANGAN NA TINIYAK mo ang paglaglag ni Digong sa puwesto, at ang pagpalit sa kaniya ni Leni Robedo, nang ianunsiyo ninyo ang rally ninyo, Ms. Elago. Pero ialng araw na lamang, NI ISANG SUPORTA ay walang nababalitang may nakuha na kayo.


Kaya MALALA ka pa sa adik na high sa illegal na droga kung sa palagay mo ay mapapatalsik ninyo si Digong ng KAYO-KAYO lamang, Ms Elago. Humanda na kayong mapahiya at tulad ng sinulat ko na sa isang nakaraang blog, HUWAG KANG IIYAK, AANGAL NG POLICE BRUTALITY O MAGTATAGO kung may mangguguglo sa inyo at aarestuhin ka! 30 

No comments:

Post a Comment