Monday, November 13, 2017

STOP USING THE DEAD TO DESTROY DIGONG!

Image result for rodrigo duterte

14 Nov. 2017

To anti-drug war opponents who live, eat and sleep on shouting ‘EJK’ (extra-judicial killing), STOP USING THE DEAD to destroy President Digong Duterte. ENOUGH of your EVIL MIND-CONDITIONING gimmicks on the unschooled or semi-schooled among the poor that EVERY DEATH in the anti-drug war is an EJK under the orders or approval or blessing of Digong. BURN ALIVE IN HELL if you won’t.

Para WALA NANG MALOKO O MALASON ng mga kontra sa giyera sa droga ANG KASIPAN ng ating mga kababayan na walang alam o kulang sa kaalaman sa batas:

HUKUMAN LAMANG ang may karapatang humusga at magdeklara kung ang isang pagpatay ay isang EJK o hindi. WALA NANG IBA PA. Kahit na iyong mga puilitiko, pare o madre, human rights champion kuno at kung sinu-sino pa, WALANG KARAPATAN o kapangyarihan. Kaya’t HINDI  PORKE AGAD NA HINUSGAHAN ng kung sinong kilalang kritiko ni Digong, pultiko man o hind, na EJK ang isang pagpatay ay TUTOO NA AT DAPAT PANIWALAAN! Hindi aKo abugado pero mangangahas pa rin akong sabihin na WALANG BATAS O REGULASYON  na nagsasabing anumang sabihin ng sinumang politiko laban kay Pangulong Digong ay katotohanang dapat agad paniwalaan. Lalo pa’t kung ang magaakusa ay WALANG ANUMANG EBIDENSIYANG MAIPAPAKITA maliban sa kaniyang KADALDALAN at pagmumukha.

Tutoong marami nang kaduda-dudang pagpatay sa giyera kontra droga. Walang kwestiyon doon. Pero IBA ANG KADUDA-DUDA SA NAPATUNAYAN NA sa hukuman. At pansinin ninyo, HANGGANG NGAYON AY WALANG EBIDENSIYA NA MAIPAKITA ANG LAHAT ng walang tigil sa pagputak ng ‘EJK’ na makapapagpatunay sa sinasabi nila na 7,000 mahigit na ang nagiging biktima nito sa giyera kontra droga. Kahit isa, kahit sino, WALA. Itama ako ninuman kung mali ako.

Pero WALA RING TIGIL ang tribong EJK sa pagsigaw kapag may namatay sa giyera kontra droga at kasalanan AGAD-AGAD ni Pangulong Digong. Kahit na wala pang IMBESTIGASYON, BANAT sa at KASALANAN na agad ni Digong MASIRAAN O MAY MASABI LAMANG SILANG MASAMA laban dito.  Kahit na garapalang PANLOLOKO ito sa iba. PAKAPALAN  na lang ng mukha.  MAGAMIT AT MAPANIWALA lamang ang mga walang alam o kulang  sa kaalaman sa EJK para magalit ang taumbayan at MATUPAD ANG MAITIM NILANG BALAK na mapabagsak isi Digong at mapalitan ng kakampi nila para makontrol nila ang gobyerno.IYAN ANG KATOTOHANAN, mga  kababayan. 30





No comments:

Post a Comment