19 Nov. 2017
Nasa Marawi City daw si Leni Robredo, para daw
tingnan kung ano ang magagawa niya at ng opisina niya para sa rehabilitasyon ng
mga nawasak ng labanan sa pagitan ng Maute terrorists at ng gobyerno.
Mga taga Marawi, GINAGAMIT LANG KAYO ni Leni,
para sa publicity.
Ilang linggo na ang nakakaraan mula nang
ideklara ni Pangulong Digong na malaya na ang inyong lungsod mula sa mga
terorista. Pero NGAYON LANG NAGPAKITA si Leni sa inyo para tingnan kuno kung
ano magagawa niya. Hindi isa, dalawa o ilang araw lamang matapos ang labanan o
isa o dalawang linggo. NGAYON LAMANG, kung kailan marami na ang nagiging balita
tungkol sa plano ng Duterte Administrasyon para sa muling pagbangon ninyo,
samantalang siya ay nagiinspeksiyon pa lamang.
Galing na noon si Leni sa Marawi, noong may
labanan pa, tutoo. Pero ang punto ngayon ay rehabilitasyon na ang usapan, at
hindi lamang photo o press releases o pagdadala ng ilang relief goods ulit.
Sa tanggapin o hindi ng kampo at mga galamay
ni Leni, malinaw na gusto lamang niyang masabi na kumilos din siya para sa rehabilitasyon
ng Marawi kaya nagtungo at naginspeksiyon siya doon.
Kaya sa mga hindi pa gaanong nakakaunawa sa
mga taga-MARAWI: HINDI NINYO KAILANGAN si Leni para sa inyong rehabilitasyon. Huwag
ninyo man lamang isipin siya ang pagasa ninyo. Walang masama kung tatanggap
kayo ng tulong mula kay Leni Pero tandaan ninyo ito: Anuman ang kailangan ninyo
ay maaari NINYONG IPARATING NG DERECHO sa concerned government agency o
official. Ganun din kung may magiging problema o anomalya sa inyong paghingi ng
tulong. At hindi kay Leni lamang, na sinasabi niyang ginagawa niyang programa
ngayon laban sa kahirapan.
Huwag kayong PAGAMIT KAY ROBREDO, mga
kababayan natin sa Marawi. 30
No comments:
Post a Comment