18 Nov. 2017
Hindi ko kilala ng personal si Mocha Uson
pero payong kapatid ito sa kaniya: MAGARAL KA MUNA NG BATAS AT PULITIKA bago ka
kumandidatong senador. Kahit na si Pangulong Digong Duterte pa ang magsabi sa
iyo na tumakbo ka.
Alam mong HINDI KA PA QUALIFIED para maging
senador. Paggawa ng batas ang
pangunahing trabaho ng senador, Mocha. Pero right against self-incrimination
lang, na basic sa Batas, hindi mo alam. Kaya manalo ka man bilang senador, alam
mong darating at darating ang panahon na pagtatawanan o iinsultuhin ka, o kaya
ay hindi igagalang dahil sa kakulangan mo ng kaalaman, Tiyak namang ayaw mong mangyari
iyon hangga’t maaari, kahit minsan.
Hindi mo ko tagahanga, Mocha, pero sa
nakikita ko, naniniwala rin ako tulad ng marami na tunay mong gustong makatulong
sa kapuwa. Pero MAS MAKAKATULONG KA NG MAS EPEKTIBO KUNG PAGHAHANDAAN MO MUNA
ang pagtulong na iyon. Tunay kang igagalang at sasaluduhan ng sambayanan.
Kahit na naguumapaw ang mga followers/tagahanga
mo na boboto sa iyo para senador, hindi magiging kahiya-hiya sa kanila kung
magaaral/maghahanda ka muna. Maniwala ka, Mocha, MAS MAMAHALIN ka nila. Tutal, batang-bata ka pa.
Kahit saan, kahit kalian, WALANG MASAMA KUNG
MAGPAPAKATUTOO ang sinuman. 30
Asus si Lito Lapid nga naging SENADOR eh Lalo Na si Cory Aquino house wife naging Presidente!?? Why not Mocha Abogado Tatay nyan.
ReplyDeleteMay pinag aralan ka nga, lahat halos ng edukasyon sa mundo na sayo na pero kung wala ka naman pusong serbisyo-publiko para sa nakararaming Filipino, wala ka pa ring kwentang public servant! Di bale nang kulang sa edukasyon, kung punung-puno ka naman ng kabutihan sa puso para sa masa, doon ako papanig! Maliban kay Manny Pacquiao, masasabi nating lahat ng Senador ay may mga matataas na tinapos ng pag aaral pero nasaan ang kanilang mga puso?!? Nasa kanilang mga bulsa!!! ��
DeleteDi Pa NGA Senadora pero marami Ng nagagawa para Sa Bayan 😍 EDI Lalo Na kung maging SENADOR si Mocha Mas marami syang matutulungan Kasi sya Ang Boses Ng Karaniwang mamamayan Filipino 😊
ReplyDeleteat tulad ng sinabi ko sa sinulat ko,mas makakatulong soya ng mas epektibo kung magaaral muna siya ng batas/pulitika. wala akong sinabing wala syangpinagaralan o hindi soya puwedeng senador.
DeleteMagandang payo para kayMs Mocha Uson, subalit kagaya ng sinabi ko, alam ni Ms Uson ang kanyang mga "limitations." PERO pag inanyayahan siya ng Pangulo ng Pilipinas na tumakbo bilang senador, sino ba si Ms Uson para timanggi. At isang bagay pa, palagay ko naman, mas mataas ang "educational attainment" ni Ms Mocha Uson kaysa kay SENATOR MANNY PACQUIAO na grumaduate sa College of Hard Knocks.
ReplyDelete