DUTERTE AND PNP CHIEF BATO DELA ROSA
03 Nov. 2017
Sa tanggapin o hindi ninuman masyado nang
AGRABYADO sina Pangulong Digong Duterte at ang PNP, pati na ang iba pang alagad
ng batas, sa anti-drug war ng gobyerno sa kabila ng kanilang kapangyarihan.
WALANG TIGIL ang atake laban kina Digong at
sa PNP dahil sa drug war. Dati ay dahil lamang sa mga namamatay, Ngayon ay
LAHAT NA ng puwedeng gawan ng press release – ang mega rehabilitation center para
sa mga adik sa Nueva Ecija, mga survey kuno, patuloy na sama ng loob ng mga
pamilya/kaanak ng mga nasawi at iba pa.
Mga atake sa national at social media. Mga
atake HINDI LAMANG DITO sa ating bansa KUNDI PATI SA ABROAD, NA BUWIS NA
PINAGHIRAPAN NATIN ANG WINAWALDAS. Isama na rin natin ang MASAHOL PA SA KABUTE na sunud-sunod na
pagbuo/pagsulpot ng sari-saring grupo laban sa anti-drug war, at pagtulong kuno
sa mga naulila ng mga biktima. LAHAT ng
ito, sabay-sabay, laban kay Digong at sa PNP.
Pero KAHIT KAILAN, KAHIT ISA sa mga ito
WALANG UMATAKE/BUMATIKOS sa mga drug pusher/drug lord. Droga ang SALOT, ANG
DAHILAN ng hindi na MABILANG NA PAGPATAY at iba pang kawalanghiyaan. Pero ang mga
GUMAGAWA/NAGBEBENTA ng naturang salot, HINDI PINAPANSIN at PINABABAYAAN lang ng
mga kontra sa anti-drug war. Ni HINDI SILA PAKIUSAPAN na tumigil na. Kahit na
HINDI NA MABILANG ang mga alagad ng batas at sibilyan ang PINATAY, GINAHASA, NINAKAWAN
AT WINALANGHIYA sa iba pang paraan ng mga drug pusher/drug lord at mga adik.
Itama ako ninuman kung mali ako: KAHIT ISA sa
mga kontra sa anti-drug war, wala pang binuong grupo para matulungan ang mga
naulila ng mga pulis o mga mahihirap na sibilyan na pinatay ng mga drug
lord/drug pusher sa ano mang paraan.. Kahit isang pari, hindi pa nagdaos ng
misa para sa kaluluwa nila. Kahit sino, kahit minsan WALA pang nanawagan ng
katarungan para sa kanila. Kapag pusher.drug lord ang napatay, sigaw agad ng
human rights violation ang mga kontra sa drug war. Kasalanan agad ni Digong at
ng PNP! Pero kapag pulis o sibilyan ang pinatay ng mga drug pusher/drug lord,
tahimik ang mga kontra. Parang walang nangyari.
Hindi lang LANTARANG PANGAAGRABYADO ITO kay
Digong at sa PNP. GARAPALANG KAIPOKRITUHAN pa. Kumontra na ang kokontra. 30
No comments:
Post a Comment