Saturday, November 11, 2017

PRO-LENI ROBREDO BA ANG COMELEC?

Image result for leni robredo




12 November 2017

Bago magkalimutan, dapat nang patunayan ng Comelec kung KANINO ba sila –sa sambayanan at katotohanan o kay Leni Robredo?

Hanggang ngayon, AYAW ILABAS ng Comelec ang LAHAT NG POSIBLENG EBIDENSIYA kontra kay Leni Robredo sa protestang isinampa laban sa kaniya ni Bongbong Marcos. At wala rin silang binibigay o pinapakitang dahilan kung bakit. Itama ako ninuman kung  mali ako.

Kung hindi nila pinoprotektahan si Leni, kung talagang walang naging dayaan para manalo ito, bakit AYAW IPAKITA AT IPAEKSAMIN ng Comelec sa mga eksperto sa pribadong sektor HANGGANG NGAYON ang mga sumusunod:

Ang HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa transparency server noong gabi ng eleksiyon. Huwag nating kalilimutan, mga kababayan, matapos iyon ay naglaho ang halos isang milyong boto na lamang ni Bongbong kay Leni.

Ang mahigit 30 at may lamang SD cards na nauna nang sinabi ng Comelec na hindi nagamit noong ekelsiyon. Hanggang ngayon, hindi sinasabi ng Comelec kung nasaan na ang mga ito at kung ano ang nilalaman. WALA ring sinasabi ni isang salita ang Comelec tungkol sa extra server na  inamin ng Smartmatic na ginamit nila at HINDI PINAALAM sa Comelec.  Isa pa ay wala ring anumang naging balita tungkol sa mga kagamitan sa eleksiyon na sakop ng protesta ni Bongbong pero nadamage matapos mabagsakan ng gumuhong kisame sa isang warehouse ng Comelec. Marami pa.

Kung talagang malinis ang panalo ni Leni, walang dahilan para hindi ilabas ng Comelec ang mga posibleng ebidensiya ng dayaan para siya manalo. Kung ayaw nila, at ni hindi sila magpapaliwanag, huwag sasama ang loob at walang dapat magreklamo sa kanila kapag dumating ang oras na derechahan na silang aakusahan na mga KASABWAT sa dayaan  para manalo si Robredo. 30


No comments:

Post a Comment