12 Nov. 2017
Ang pagdating ni US President Donald Trump para
dumalo sa ASEAN Summit ay GA-MUNDONG KAHIHIYAN ang dulot kina Antonio Trillanes
at writer Raissa Robles. Kung sa kape ay mayroong 3-in-1, 2-in-1 namang
SUPALPAL ang inabot ng dalawa.
Una: NABALE-WALA ang SUNUD-SUNOD na pagtira
nila kay Pangulong Digong Duterte sa kanilang mga speeches sa iba-ibang bahagi
ng America ilang linggo nas ang nakararaan. Lahat ng maisip nilang banat sa
goberynong Duterte ay paulit-ulit nilang inilahad sa mga pinuntahan nila. Pero
kahit minsan, HINDI NABALITANG nagdalawang isip si Trump sa pagpunta dito sa
atin dahil sa mga pinagsasabi nina Trillanes at Robles. At ang matindi pa, mga
kababayan, DINAGDAGAN PA ni Trump ng isang araw ang pagbisita niya.
Pangalawa: Pinatunayan ng pagdating ni Trump
na HALOS wala, o totally WALA anumang kredibilidad sina Trillanes at Robles 30sa paningin ng Trump Administration at ng
higit na nakararami (majority) doon. Dahil kung mayroon, naimpluwensiyahan sana
nila ang US Government na huwag patuluyin si Trump sa pagbisita dito sa atin.
Ni WALA NGANG NABALITA na may nagpahayag ng suporta o pagsangayon kina Trillanes
at Robles sa mga tira nila laban kay Digong. Itama ako ninuman kung mali ako.
May kahihiyan pa kaya ang dalawang ito?
No comments:
Post a Comment