Dec. 31, 2016
HINDI KAMI BATANG MUSMOS, DE LIMA!
In a story in gmanews.tv, Leila de Lima was
quoted as saying in her criticism of the anti-drug war: “Paano nga ba magdiwang
ng (Bagong Taon) kung nagpapatuloy ang patayan at kawalang katarungan sa
lipunan?” Hindi kumagat ang photo release ng nakaluhod siya sa simbahan o ang pagpunta-punta
sa iba-ibang eskuwelahan kaya DRAMA NAMAN ang papansin gimik ni De Lima ngayon.
HINDI IKAW ANG SUKATAN kung wala nang katarungan
o mayroon pa, Ms. De Lima. Oo, senadora ka, pero ISA KA LAMANG sa mahigit 20. Abugada
ka kaya ALAM NA ALAM MO RIN NA WALA KANG LEGAL NA KAPANGYARIHAN O KARAPATAN NA
MAGHUSGA NG GANIYAN. Lalo pa kung ang EBIDENISYA MO AY SALITA O OPINYON MO
LAMANG.
De Lima was also quoted as saying: ”May mga
kababayan tayong pinatay, bago pa man bigyan ng pagkakataong magbagong-buhay.” Pero
WALA SIYANG BINANGGIT ni isang pangalan
ng mga pinatay, ni saing insidente ng pagpatay, sinu-sino ang kasangkot at iba
pang detalye. SALTA LAMANG NIYA ULIT.
Basta meron, tapos.
HINDI BATANG MUSMOS ang buong Sambayanan, Ms.
De Lima. Batang musmos lamang ang maaaring mapaniwala kahnit salita lamang.
Pero kaming mga adults, ALAM NA ALAM NAMIN ANG KAHULUGAN, AT KAHALAGAHAN, NG
EBIDENSIYA ng anumang pahayag o batikos. Hindi mo kami MALOLOKO. Lalo pa’t WALA
ka namang inilalabas na anumang pruweba hanggang ngayon na pawang kasinungalingan
lamang ang mga akusasyon laban sa iyo kaugnay ng illegal drugs.
Panghuli, BAKIT kahit kalian ay HINDI mo
maatake ang mga pusher at mga drug lord? Ni isang salita ng atake, WALA KANG
MASABI laban sa kanla. Samantalang SILA ANG PINAGMUMULAN ng droga, at ng LAHAT
NG KRIMEN na nagiging bunga ng pagka-addict dito. Iyung lumulutas sa problema,
iyon ang WALA kang tigil sa pagbanat. Iyung lumulutas ng problema, iyon ang
ayaw mong tantanan, at suportahan. Anong dahilan, Ms. De Lima? 30