Sunday, April 22, 2018

NGITING-ASO SIGURO SI ANDY NGAYON!


Image result for andres bautista

Ngiting-aso siguro ngayon si dating Comelec Chairman Andres ‘Andy’ Bautista.

Sunud-sunod na ang nadidiskubreng dayaan noong 2016 election para sa pagka bise-presideente. Tuluy-tuloy na lumalawak ang alitan ng mga pro-Bongbong Marcos at pro-Leni Robredo. Di na mabilang na mga milyones na salapi at oras ang nagagastos na ni Bongbong Marcos, ng Korte Suprema na siya ring Presidential Electoral Tribunal (PET). NEWS BLACKOUT pa ang recount. Kung hindi dahil sa mga PET insiders na paminsa-minsang nagbUbulgar ay WALANG MALALAMAN ang sambayanan kung ano ang nangyayari sa recount sa araw-araw.

Pero si Andy, na siyang Comelec chairman noong halalang iyon at TIYAK NA MARAMING ALAM sa mga pandarayang nadiskubre na ay NAGPAPASARAP NG WALANG SAGABAL sa Amerika.

Kahit isang senador (maliban kay Tito Sotto na nagsimula nang magbulgar ng mga dayaan) o congressman ay WALANG KUMIKILOS PARA MAPILITANG BUMALIK si Andy sa Pilipinas. Kahit mga non-government organizations (NGO) na kung makaatungal ay para sila sa katotohanan at kontra-katiwalian. WALANG NANANAWAGAN na dapat ay mapabalik si Andy at gawin agad kung ano ang nararapat. Ni WALANG NAGKOKONDENA/BUMABATIKOS man lamang kung paano nakalusot ang malawakang dayaan noong siya ang Comelec chairman.

Sabi nga ng isang kanta n Rod Stewart, “Some guys have all the luck.”

Mga kababayan, ang sinumang pulitikong hindi kikilos para mapabalkik si Andy at pagpaliwanagin, sa anupamang paraan, ay HINDI KARAPAT-DAPAT ng inyog boto sa eleksiyon sa isang taon at sa 2022. MATUTO NA TAYO ngayon pa lamang. 30   



2 comments:

  1. Presindent nga ng ayaw sa katiwalian daw ay tameme dito sa issue ,sila pa kaya na alipores lan.lol...

    ReplyDelete

  2. Anyone you think you can trust may just be a good actor or actress. This world is get what you can while you can, and get it now if possible. And there is no end to the easy out there, protect yourself! Here is a reliable services you can trust to provide you the proofs and evidence you want email oneofonehack@gmail.com .he's into jobs like Whatspp,viber,Fb, clearing of criminal records ,Text,cal logs iCloud,bank hacks and so on..... you can call or text him on +15186284630 Or Whatsapp Messenger him on +15185049376 ..thank me later

    ReplyDelete