Thursday, January 25, 2018

PARA MATAHIMIK NA ANG SAF 44…

Image result for images of SAF 44

25 Jan. 2018

TATLONG TAON na ang nakalilipas mula nang  minasaker an g SAF 44 na parang mga hayop sa Mamasapano. TATLONG TAON na ring HINDI PA NILA NAKAKAMIT ANG KATARUNGAN!

Marami pa ring hindi nasasagot, o nalilinawan ng HUSTO, na mga katanungan tungkol sa tunay na nangyari. Tulad nang bakit WALANG DUMATING NA REINFORCEMENTS para sa SAF 44 bago sila napatay lahat. Kahit na umaga pa lamang ay rumadyo na sila ng saklolo. At bakit HINDI RIN NAGPALIPAD ng anumang eroplano o helicopter na pangdigma ang mga kinauukulan para saklolohan ang SAF 44 kahit na maliwanag pa naman nang nasa kainitan na ang labanan.

Higit sa lahat, bakit inabot ng humigit-kumulang ng isang linggo si Noynoy Aquino bago Siya nagsalita tungkol sa massacre. Para sa akin, iisa lang ang paraaan para matahimik na ng lubusan ang SAF 44: LUMANTAD AT MAGSALITA na ang mga may nalalaman pang KATOTOHANAN na hindi pa nabubulgar hanggang ngayon.

Tandaan ninyo, HINDI NA SI NOYNOY ang presidente. HINDI NA RIN si Alan Purisima ang PNP chief. At iba na rin ang Armed Forces chief of staff. Hindi na ninyo dapagt katakutan ang mga ito, o siinuman sa mga tao nlla, kung magsasabi na klayo ng katotohanan.       

Kung pagtatagalin pa ninyo bago kayo magsalita, tatlo lamang ang maaaring mangyari sa inyo: IPAPATAY KAYO bago ninyo magawa iyon, HINDI KAYO PATATAHIMIKIN NG INYONG KONSIYENSIYA o reputasyon ninyo ang masisira pagdating ng araw dahil hindi kayo kumibo agad.


Isipin sana ninyo na sa pagkakapatay ng SAF 44 kay Marwan, pati mga mahal ninyo sa buhay ay NALIGTAS mula sa mga bombing ginagawa ng demonyong teroristang iyon. The least you can do is help give them justice. 30

No comments:

Post a Comment