Senate President Tito Sotto: ILABAS mo na ang
sinasabi mong testigo sa naging dayaan noong 2016 elections. Dahil kung hindi,
lalo nang WALANG PIPIGIL sa mga MANDARAYA sa eleksiyon sa Mayo.
Nagsimula na ang pagimprenta ng mga balota
para sa eleksiyon sa Mayo. PINATIGASAN na ng mukha ng Comelec ang paggamit pa
rin sa Smartmatic, kahit kabi-kabila na ang ebidensiyang naguugnay sa naturang
kompanya sa dayaan.
At hanggang ngayon, KAHIT ISA AY WALA pang
pinaparusahan ang Comelec sa mga tauhan nilang naka-assign sa mga lugar na
nagkaroon ng dayaan, Walang kinakasuhan, sinuspinde o iniimbestighan. Itama ako
ninuman kung mali ako.
Kaya kung wala rin lang MAGBUBULGAR sa
kanila, LIBRENG-LIBRE ang mga mandaraya, Mr. Senate President, para ULITIN ANG
KAHAYUPAN NILA noong 2016. O HIGITAN PA ITO!
Aminado si Glenn Chong, Mr. Sotto, na
kailangan niya ng tulong sa pakikibaka niya laban sa dayaan sa halalan. At sa
ngayon, IKAW AT ANG TESTIGO MO ang nasa pinaka-magandang posisyon para samahan
sya!
Sambayanan ang TALO NG WALANG LABAN sa dayaan
sa eleksiyon. Pababayaan mo ba kami, Mr. Sotto?
***
Makakatulong po ng malaki para
araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga
advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us
all. 30
No comments:
Post a Comment