Friday, February 1, 2019

PUMAREHAS KA NAMAN, ALBAYALDE!


Image result for images for oscar albayalde
Kay PNP Director-General Oscar Albayalde:  PUMAREHAS ka naman, sir. Kung gaano ka kabilis umaksiyon sa isa, dapat ganun din sa LAHAT.  

A story in https://newsinfo.inquirer.net/1080315/pnp-axes-nueva-vizcaya-police-execs-for-lapses-in-probe-of-malayao-slay said Albaylde has ordered the relief of the Nueva Vizcaya police director and the police chief of Aritao town for “apparent lapses” in investigating the murder of a National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant last Wednesday.

Wednesday lang pinatay yung consultant, Albayalde. Ebidensiya lang ang hindi nahawakan ng maayos. Pero MAY AKSIYON KA NA, AGAD.  Pero MAHIGIT ISANG BUWAN NANG TINORTURE AT PINATAY si Richard Santillan, WALA ka pa ring KATAPAT NA MABIGAT na aksiyon laban sa mga pulis na nasasangkot. Tulad ng demanda, PAGTANGGAL SA PUWESTO ng commanding general ng mga ito na si Edward Carranza at dalawang koronel pa, o ang DISARMAHAN sila.

Itama ako ninuman kung mali ako  pero ang tanging naging aksiyon pa lamang laban sa mga nadadawit ay ang iconfine sila iisa at ibang unit. Pero  sina Carranza at iyong mga opisyal, HINDI KASAMA.

Mr. Albayalde, HINDI LANG 10 O 50 DOBLE NA KASALANAN ang PAGTORTURE AT PAGPATAY kesa maling paghawak ng ebidensiya. Pero  iyong KAHAYUPAN ang wala kang aksiyon. Samantalang ang karapatran noong consultant ay KARAPATAN DIN ni Santillan. At tulad ng nasabi ko na, HINDI KA NAMAN SIGURO NADUDUWAG kay Carranza na kaklase mo sa Philippine Military Academy.

Walang dahilan para hindi ka pumarehas, Mr. Albayalde. Kung hindi ka puwedeng pumarehas anuman ang dahilan, IPAUBAYA MO SA IBA ang kaso ni Santillan para hindi naman sila mapagkaitan ng KATARUNGAN!
                                                          ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30




1 comment:

  1. true sanan naman maging patas sila,para makamtan naman ang katarungan ng mga santillan family

    ReplyDelete