Monday, February 25, 2019

CONDOLENCE ‘YELLOWS’, OCHO DERECHO


Image result for images for ocho derecho senatorial candidates
CONDOLENCE sa kultong Dilaw at sa kanilang Ocho Derecho senatorial candidates. Dahil sa LANTARANG KAHIHIYAN na inabot ninyo kahapon, EDSA 1 Day.

Sa kultong Dilaw: HINDI NINYO MAIKAKAILA NA NILANGAW ang commemoration o paggunita sa EDSA 1 sa People Power Monument. Pinakamarami na ang 2,000 sa mga estimates na naglalabasan sa social media ng mga netizen. Sa national media naman, hanggang sa sinulat ko itong blog na ito ay WALA KAHIT ISA na nagreport kung gaano karami ang  sumama sa inyo.

HINDI ninyo puwedeng ikatwiran na masama ang panahon. Kahit isang patak ng ulan, WALANG BUMAGSAK. WALA ring nagreklamo na hinrang sila papunta sa People Power Monument. Lalong hindi ninyo maipapalusot na may pasok kasi sa opisina o sa iskuwela, dahil NON-WORKING HOLIDAY.

So Ocho Derecho naman: Sa paglantad ninyo sa Plaza Miranda sa Quiapo kahapon, kahit isang litrato na pinagkakaguluhan kayo ay WALANG LUMABAS, AT WALA RIN KAYONG MAIPAKITA sa national o social media man. Kayo-kayo lang na magkakatabi o nagsasalita ang mga photos na lumabas sa ilang media websites at sa social media. Kaya sa AMININ NINYO O HINDI, GANOON KAYO KAHINA! At KAYO PA MISMO ang nagpakita sa sambayanan!

HINDI MAIKAKAILANG EBIDENSIYA ang mga pangyayaring ito na AYAW NA ng higit na nakararami o majority ng sambayanan sa kultong Dilaw at sa SINUMAN AT ANUMAN na may kaugnayan sa kanila.

Kaya mga kababayan, kung sa mga darating na araw ay biglang may magsasabi na malakas o lamang na ang Ocho Derecho o ang kultong Dilaw, HUWAG PALOLOKO. HARI NG HARI ng mga sinungaling iyon!
                                                        ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30

2 comments:

  1. ZERO VOTE ANG OCHO DERETCHO SA MIN
    AT VIS.SORY AYAW NAMIN SA INYO NAKAKA STRESS

    ReplyDelete
  2. derecho means to the right. ask real spanish speaking guy. maybe to the right is kangkungan???? straigth forward is recto or recta

    ReplyDelete