Sa Comelec: Inilabas na rin lang ninyo ang
mga kandidatong may illegal na posters, at nagdiscuss na ng kung ano-ano pa sa
halos araw-araw ninyong press releases, MAGBULGAR NA RIN KAYO SA MGA DAYAAN sa
vice-presidential (VP) race noong 2016 elections. Lalo na ng mga pangalan ng
mga dapat managot.
Kung WALA pa rin kayong ilalabas na mga
detalye, maghanda kayo ng singtibay ng adobeng bato na paliwanag kung bakit
hindi rin kayo dapat pagdudahang may PINOPROTEKTAHAN kayong mga mandaraya.
Halos TATLONG TAON na ang nakaraan matapos
ang 2016 elections. Kabi-kabila na ang
mga PISIKAL NA EBIDENSIYA ng dayaan na nadiskubre. Tulad ng mga basa, punit at amoy kemikal na
mga balota sa recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban
kay Leni Robredo; pre-shaded ballots sa mula sa Camarines Sur sa pangalan ni
Robredo at mga PEKENG BOTANTE sa Basilan, Maguindanao at Lanao del Sur na
nadiskubre ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan at ng mga eksperto ng Comelec.
Halos dalawang taon nang pinetisyon ni
Bongbong na bale-walain ang resulta ng halalan sa Basilan, Maguindanao at Lanao
del Sur dahil sa malawakang dayaan.
Pero HANGGANG NGAYON, Comelec, KAHIT ISA AY
WALANG NABABALITA na kinasuhan na ninyo.
O pinarusahan sa anupamang paraan, tulad ng suspension o multa.
Samantalang TUKOY naman ang mga lugar na pinagmulan ng mga ebidensiya ng
dayaan. At may listahan kayo ng mga tauhan ninyong naka-assign sa mga lugar na
iyon noong 2016 elections.
SOBRA-SOBRA na ang halos tatlong taon para
ipaalam ninyo sa sambayanan ang nangyari
o nangyayari sa mga dayaan. At pangalanan na ang mga dapat managot.
ANO O SINO ang pumipigil sa inyo, Comelec,
para ilabas ang mga dfetalye ng mga dayaan at ang mga pangalan ng mga
nasasangkot at dapat kasuhan? Kung WALA
KAYONG TINATAGO O PINOPROTEKTAHAN, LALONG WALANG MORAL AT MATINONG DAHILAN para
patuloy kayong manahimik sa dayaan noong 2016.
LUGING LUGI, AGRABYADONG AGRABYADO na sa
inyo, Comelec, ang sambayanan. Kumontra na ang kokontra.
***
Makakatulong po
ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan
ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God
Bless us all. 30
Dapat lang
ReplyDelete