Saturday, February 23, 2019

HINDI PARA KAY CORY ANG ‘PEOPLE POWER’ 1


Image result for cory aquinoDahil nalalapit na ang anibersaryo ng EDSA People Power 1, paalala lang ito. At para sa mga kabataang hindi pa pinanganganak noon, o hindi pa naiintindihan ang mga nangyayari:

HINDI si Cory Aquino ang ina ng demokrasya At lalong HINDI SIYA ang dahilan ng EDSA People Power 1.

Kapag sinabi mong ina, ibig sabihin ay mayroong ipinanganak, may bagong lumabas. DEMOKRASYA NA ANG ATING BANSA mula pa noong makamit natin ang kalayaan mula sa mga Amerikano ilang buwan matapos ang World War 2. Kung tama ang pagkakatanda ko ay Hulyo 4, 1946, naganap ito, 40 TAON BAGO NAGING PRESIDENTE SI CORY NOONG 1986. Kaya’t paano magiging ina si Cory ng demokrasya? Nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial law noong 1972, DEMOKRASYA PA RIN ANG PILIPINAS. HINDI TAYO NAGING KOMUNISTA O SOSYALISTANG BANSA. HINDI TAYO INALIS SA PAGIGING DEMOKRASYA ni Marcos. Kaya again, paano naging ina ng demokrasya si Cory?

Kung ang ikakatwiran naman ng mga pro-Aquino ay ang naging paglaban ni Cory kay Marcos – mula noong mapatay ang asawa niyang si Ninoy hanggang sa noong presidential snap elections-- HINDI SI CORY ANG UNANG LUMABAN sa dating pangulo. Dekada ’70 pa lamang ay LUMALABAN NA kay Marcos ang mga kasamahang pulitiko noon ni Ninoy tulad nina dating Senador Francisco ‘Soc’ Rodrigo at Jose ‘Pepe’ Diokno. Gayundin ang grupo ng peryodistang si Joe Burgos at ang kaniyang mga dyaryong We Forum at Malaya. Naging aktibo lamang si Cory sa paglaban kay Marcos nang mapatay si Ninoy noong Agosto 21, 1983, o MAHIGIT 10 TAON NA MATAPOS IDEKLARA ni Marcos ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. NAKISALI LAMANG, NAGING INA NA NG DEMOKRASYA? ANONG KASINUNGALINGAN IYAN?

At higit sa lahat, HINDI SI CORY ANG DAHILAN nang bumuhos ang tao sa EDSA noong 1986 para sa People Power 1. Dumagsa ang tao bilang pagsuporta kina noo’y Defense Minister Juan Ponce Enrile, Armed Forces Vice Chief of Staff Fidel Ramos at ang grupo ng mga sundalong kasapi ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) sa pamumuno ni noo’y Lt. Col. Gregorio ‘Gringo’ Honasan.

KUNG HINDI GINAWA NINA ENRILE ANG ARMADONG PAGKALAS kay Marcos, HINDI MAGSISIMULA ang People Power 1. At tulad ng ALAM NA NATING LAHAT, si Jaime Cardinal Sin ang UNANG NANAWAGAN sa taumbayan na dumagsa sa EDSA para suportahan sina Enrile. HINDI SI CORY! WALANG GINAWA si Cory noong People Power 1 kundi MAGTAGO AT MANOOD O MAKINIG sa mga nangyayari. Tulad ng alam nating lahat, NAKATAGO sa isang kumbento si Cory (kung tama ang pagkakatanda ko ay parteng Cebu) noong kainitan ng People Power1.

Kaya’t NAKAKAKILABOT NA KASINUNGALINGAN AT KAPAL NG MUKHA at PANLOLOKO SA MGA KABATAANG HINDI INABOT ang EDSA People Power 1 ang ipagpilitang si Cory ang ina ng demokrasya. Na para sa kaniya ang EDSA 1. Kampon ng Kadiliman ang sinumang magpupumilit nito.
                                                          ***
Makakatulong  po ng malaki para araw-araw akong makapag-post kung iki-click ninyo at titingnan ang mga advertisement sa paligid ng ating blog. Salamat po lagi sa tiwala. God Bless us all. 30  


1 comment: